Ang Kwaderno

45 5 0
                                    

Pagpapatuloy

❤️❤️❤️A Never Ending Love❤️❤️❤️

Ang Kwaderno
©Kingsays Alegrius Writes

At sumapit na nga ang takdang oras ng piging at selebrasyon na iniuukol sa ika-60 taong kaarawan ni Don Iko na siya namang nasa silid pang nagbibihis habang naririnig niya ang mga tinig ng mga umaawit na panauhin sa saliw ng gitara na nananabik at masayang nag aabang sa paglabas nito.

Samantala biglang tumitig si Don Iko sa larawan ng yumaong asawang si Doña Selya at sinabayan ang saliw ng gitara sa labas na dinig sa kanyang silid, at umawit ng "Like a rivers flow surely to the sea darling so it goes somethings are meant to be..."

Masaya naman ang pag awit ng ginoo waring hinaharana ang asawa. At nang maikabit na ang kanyang kurbata ay sumigaw ito " Ka Pining, handa na ba si Liza at nang humarap nakami sa mga panauhin..." Sumagot naman si Liza "Dada ready na po ako oh ang gamda ng bistida ko ang haba na bumagay sa kulay ng laso ng aking tirintas sa buhok!" Napangiti si Don Iko sa sinambit ng anak. "At siya nga pong tunay aking mahal na prinsesa", wika nito.

Samantala sa bahay ni Angkung Kit ay abala silang naghahanda ng hapunan at inaasikaso si Mark na lupaypay sa pagod. Pinakain nila ito at tinabihan ng matandang Tsino at nangusap sa kanyang mga kasambahay na "Simula araw ito, dito tira Mark ah, ako turing siya anak sakin..."

Natulala sa tinuran ni Angkong si Mark habang sumusubo ng kanin ng nakakamay, waring nalilito sa mga mabibilis na pangyayari, at ngayon ay biglang magkakaroon na siya ng tahanan sa piling ng matandang Tsino na suki nito sa kalakal. Naglakas loob magsalita si Mark, "Angkung, bakit po niyo ko ituturing na anak? Wala po ba kayong mga anak? Baka magalit po sila sakin?

Tumawa ang matandang Tsino at nagsabing "Ako sabi, ikaw tira na dito, ako sunod sa bahay ito, kung ano akin sabi sila gawa. At umiling lang si Mark at tumitig sa mata ng matandang Tsino at ngumiti ng maliit at patuloy sa pagkain. At ganoon nga, inatasan ng matanda ang kasambahay na ayusin ang silid ni Mark.

-itutuloy-

Ang KwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon