Chapter 47:Sigawan

10.9K 625 100
                                    

HIREIN'S POV

—FLASH BACK—

"Lolo,Meet may boyfriend. Clint Santos" Nakangiti at kinakabahan kong sabi.Nandito kami ngayon sa dining area at kadadating lang namin.Tinignan muna ni Lolo si Clint mula ulo hanggang paa na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Good evening po,Sir" nakangiting sabi ni Clint at lumapit kay Lolo at nakipag kamay.Tinignan lang ni Lolo ang kamay ni Clint kaya binawi nalang nya ang kamay nya.

Attitude ng Lolo ko.

"Maupo na kayo" sabi ni Lolo sa nag-uutos na tono.Inalalayan naman ako ni Clint na makaupo.

Naks.Fake boyfriend ko yan

Nagsimula na kaming kumain at habang kumakain kami ay si Lolo na ang bumasag ng katahimikan.

"Hijo.Gaano mo kamahal ang Apo ko?" Napatigil ako sa pagkain ganon din si Clint.Ngumiti muna sya bago magpunas ng bibig nya.

"Mahal na mahal ko po sya" sabi ni Clint sabay tingin sakin at kumindat.

Siraulo.

"Saan kayo nagkakilala?"

"Sa park/Sa luneta!" Sabay naming sagot ni Clint,Nagkatinginan kami.

Hala!

Tumingin ako kay Lolo na ngayon ay nanliliit na ang mga mata.

Nalintikan na.

"A-ah.Lolo kasi po.Ang Una naming pagkikita non ay sa park.Pero ang sabi nya ay sa luneta,hindi ko naman matandaan na nagkita kami sa luneta siguro dahil matagal na rin iyon" kinakabahan na paliwanag  ko.Tumango tango naman si Lolo pero mukhang hindi kumbinsido.

"Hindi ikaw ang kinakausap ko.Ang boyfriend mo"napalunok naman ako sa sinabi ni Lolo ay napayuko.

" Sorry po"nakatungong sabi ko.

Oo nga naman!Bakit ba ako ang sumagot?Hindi naman ako tinatanong.

"Hijo.Pwede ko bang malaman Kung anong business ng pamilya nyo?"

Tch.Mukhang pera.

"Marami po.Hotels. Restaurants.Beaches. Coffee shops.Milk tea shops.Etc" lumaki naman ang ngiti ni Lolo.Sa isip ko naman ay umiiling na ako.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon