Ang Kwaderno

37 5 0
                                    

Pagpapatuloy

******A Never Ending Love******

Ang Kwaderno
© Kingsays Alegrius Writes

At sumapit ang tanghali ng piging nakagawian ng mga Tsino. Masaya ang kabuuan ng paligid na nag aawitan at nag iinuman sabay sa saliw ng tugtog na nagmumula sa cassette radio na nauuso pa lamang sa mga panahon na yaon.

Habang abala at masaya ang lahat naligo muna si Mark sapagkat napakainit ang magsuot ng barong at toga, at habang nagbibihis ito ay naalala niya ang kwaderno!

Oo ang kwaderno! Nawawala ito at pagkaalala niya ay pinagpasahan ng mga nagsitapos na kasabay niya habang ito ay nagsasalita sa entablado.

Kumamot ng ulo si Mark at labis na nanghinayang sa kwaderno. Subalit magkagayon man ay marami pa ang nasa kahon sa silid nito na di lalampas sa labing anim na piraso pa.

Ngunit pinaka katangi tangi iyon sapagkat napakaraming naisulat niya roon para kay Liza.

Samantala sa tarangkahan ay may biglang pumaradang bagong kotse at lumabas ang dalawang sakay nito isang magandang babae at isang katamtamang edad na lalaki at daglian at walang habas na pumanhik sa balkonahe habang dinaanan nila ang mga bisitang natahimik at nakatitig sa kanila habang dumadaan.

Kalmanteng tinitignan sila ni Angkung Kit at ni hindi man lamang ito tumindig sa pagkakaupo upang sila ay salubungin.

At nang nagkalapit na ang mga marangyang dumating na panauhin ay biglaang dinuro si Angkung Kit at nagsabing, "Hoy tanda oras na! Akala mo hahayaan ko nalang lahat ng ganito! Panahon na para magtuos tayo!".

Natahimik ang lahat ng panauhin, marahil sa pagkagulat na may nasaksihan na ganoong eksena, at napuno ng katahimikan ang lahat at naka abang silang lahat sa isasagot ni Angkung Kit.

Ngunit sa ikinagulat ng lahat tahimik na tumayo ang matanda gamit ang tungkod nito ay tumungo ng marahan pagawi sa silid ni Mark.

Kumatok ito at nagsabing, "Mark anak, ikaw bihis ah, ikaw suot akin bigay sayo regalo damit Kamisa at Seda, suot ka sapatos akin din bigay sayo...kailangan ikaw usap at kita bisita, dali ikaw ah."

-itutuloy-

Ang KwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon