Chapter 09

175K 7.7K 3.2K
                                    

Please follow @beeyotchupdated on twitter for real time tweet if any story got updated. Thank you.

#WTG09 Chapter 09

"Kayo ba ni Sir?"

"Kailan ka pa naging chismoso?"

Tumawa si Clark. Miyerkules kasi ngayon kaya wala masyadong tao sa bar. Kaninang mga 10pm ay dumating si Nikolai at saka dumiretso doon sa office ko at doon nag-aral. Dati kasi ay pinu-puntahan niya lang ako rito kapag pauwi na kaya lang ay napagod ata na uuwi siya tapos babalik dito kaya pagkatapos ng klase niya ay diretso na siya dito at dito na rin siya nag-aaral.

"Ilang taon na 'tong business nila pero ngayong buwan ko lang nakita si Sir ng maraming beses. Dati mga twice a month ko lang nakikita dito 'yan."

"Ang walang kwentang owner naman."

"Di naman. Marami kasi silang business nung mga kaibigan niya. Saka ayos naman dito kahit 'di sila duma-dalaw," paliwanag ni Clark. "Kayo nga ni Sir? Curious lang."

"Friends kami, okay?" sagot ko pero sa mukha pa lang niya ay alam kong 'di siya naniniwala sa akin. Basta friends kami ni Nikolai. 'Di naman ako umaasa na magkaka-something. Na-realize ko lang na mabait talaga siya lalo na sa mga kaibigan niya. Mukha lang akong tanga kung iisipin ko na may something-something e sa kanya normal lang 'yun.

"Sus, friends!" pagsigaw ni Clark nang iwanan ko siya at naglakad ako papunta sa hagdan para pumunta kay Nikolai tutal wala namang customer masyado.

"Chismoso! Ma-issue!" sagot ko sa kanya pero tinawanan lang ako.

Dahan-dahan kong binuksan iyong pintuan kasi nag-aaral siya. Ayoko namang maging bastos. Nung huli kong tinignan iyong binabasa niya akala ko nagka-nosebleed ako sa mga salita, e. Naiintindihan kaya niya iyong mga binabasa niya o nagpapanggap lang siya?

Mukhang seryoso talaga si Nikolai kaya hindi niya napansin na pumasok ako. Naupo lang ako roon sa sofa at saka tinignan siya. Bahagyang naka-kunot ang noo niya at naka-tuon ang mga mata sa kung anuman ang naka-sulat sa papel na nasa harapan niya. Pinaglalaruan ng mga daliri niya iyong pencil na hawak niya.

"What the fuck—" gulat na sabi niya nang makita niya ako. Mga sampung minuto na ata akong nandoon nang mapansin niya ako. "Jesus, you scared me!"

"Ako na nga nag-effort na maging tahimik!"

"How long have you been there?" tanong niya habang naka-hawak sa dibdib niya iyong kamay niya. Mukhang nagulat nga si gago.

Nagkibit-balikat ako. "Ewan. Mga 10 minutes."

"You've been staring at me for 10 minutes?"

Tumango ako. "Bago mo sabihin na tinititigan kita dahil naiinlove na ako sa 'yo, naka-titig ako kasi mukhang litung-lito ka sa binabasa mo. May naiintindihan ka ba d'yan o nagpapanggap ka lang?"

Inirapan ako ni gago. "It's hard—" Ngumisi ako sa kanya. "Your mind is a dirty, dirty place."

Tumawa ako. "Parang siya hindi."

Sumandal siya sa swivel chair at biglang nag-inat. Leche! Nakita ko na naman 'yang v-line na 'yan. Parang mas masama kapag naka-damit si Nikolai, e. Mas nacu-curious ka kasi kung ano iyong nasa ilalim niyang epal niyang damit. Pero... masama rin kapag wala siyang damit. Kasi ang naiisip mo lang ay parang ang sarap niyang sakyan palagi.

"Why are you here? Shouldn't you be working?" tanong niya.

"Walang tao masyado," sagot ko. Tumayo ako at saka nilapitan siya. Tinignan ko kung ano iyong binabasa niya. "CrimRev?"

Wreck The Game (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon