Chapter 48:Annoucement

10.6K 600 81
                                    

HIREIN'S POV

Matapos ng sagutan namin ni Clint kanina ay biglang dumating si sir Cuballes na ang laki ng ngiti.Siguro naka chicks si sir kanina.Tsk..tsk..

Mabuti nga at hindi kami naabutan ni Clint na nagsisigawan dahil panigurado na imbis na pagalitan kami ay tutuksuhin nya pa kami.Inggit lang ata si sir.

Nandito ako ngayon sa gym dahil pinatawag ang lahat dahil daw may big announcement.

Ano yun si Big Brother?

Siksikan ang lahat dahil napakarami namin dito sa loob yung ibang section ay nasa labad lang dahil nga hindi kami kasya sa loob.

Halos hindi na ako makahinga at naiinitan na ako sobra.Grabe.Antagal naman kasi sabihin kung anong sasabihin nila para makalabas na ako dito.Grabe,siksikan!Nakakainis.

And dami rin na nagbubulungan,parang mga bubuyog!Nakakainis.

Nandito ako sa may pinakang gitna ng court at nag-iisa.Hindi ko alam kung nasaan ang SE basta ang sinabi lang nila ay mauna na ako dito sa gym.Nakakainis.

Halos magtulakan na ang iba dahil sa dami ng tao.Nakasimangot na ako habang nakakrus ang aking mga braso at bago na tumingin sa may ring.

Bakit kasi hindi nalang sa quadrangle?Pinapahirapan nila kami sa ginagawa nila.Tsk!

Napapikit nalang ako at napalagay ang aking mga kamay sa aking tenga dahil nagsimula ng magtilian ang mga tao dito sa loob.

"Waaahhhh!"

"Section Twelve!"

"Mga prince!"

"Waaahhhh!"

"Ang gagwapo!"

"Kurt!I love you!"

"Jark!Isa kang Jerk!"

Hindi baga nababasag ang mga eardrums nila!?Kainis!

Kahit nakatakip ang tenga ko ay naririnig ko parin ang sigawan ng lahat.Halos lahat ng Nandito sa may gym ay puro mga Babae.

Kaazar.

Hindi ko nalang nilingon yung mga bagong dating dahil waley akong pake.Nanatili parin ang kamay ko sa may tenga ko dahil patuloy parin sila sa nagsisigawan.

Nakakainis na!

Nagulat ako ng may biglang nagtanggal ng kamay ko mula sa tenga ko.

Babasagin ba nito eardrums ko!?

Kinukuha ko ang kamay ko pero hindi binibitawan,Nagulat rin ako ng may Naglagay ng headphone sa tenga ko.

Humarap ako sa nasa likudan ko.Ang akala ko ay SE yun pala ay S12.Unang bumungad sa akin ang nakangiting si Kurt.

"Thank you" I whispered he nodded.

PART 1:The Only Girl of Section Eleven | Only Girl Series #1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon