S C A R L E T T M I L E S D W A S O N
After 7 years…
"Code blue! Code blue! Attention, calling for Dr. Scarlett Dwason and Dr. Maxine Lee, please, proceed to the Emergency Room!"
Mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko ng marinig ang calling na 'yon at tumatakbong lumabas ng opisina ko para magtungo sa Emergency Room.
"Code blue! Code blue! Attention, calling for Dr. Scarlett Dwason and Dr. Maxine Lee, please, proceed to the Emergency Room!"
Agad akong sinalubong ng isang Nurse nang makapasok ako sa Emergency Room.
"What happened?" Hinihingal kong tanong.
"Cardiac Arrest, Doc. Si Mr. Ramos." Natataranta nitong sagot sa akin.
Matapos marinig ang pangalang binangit ay agad kong hinanap ang hospital bed ni Mr. Ramos. Saktong pagkalapit ko sa hospital bed nito ay siya namang pagtigil ng heart beat niya. Nagsimula ang matinis na tunog ng Electrocardiogram Machine nang mag-flatline ito dahil sa pagtigil ng tibok ng puso ng pasyente.
"Anong nangyari?" Hindi na ako nag-abalang lingonin pa si Maxine at agadan ng nilapitan ang pasyente.
Mabilis kong tiningnan ang pulso nito at ng maramdamang meron pa ay walang pasabing sinira ko ang hospital gown na suot-suot niya bago balingan ang mga kasama ko.
"Permission to perform CPR!" Ani ko.
Nakita ko ang pagtingin ni Maxine sa wristwatch niya bago ikumpas ang kamay sa ere. "Go!"
Yun ang naging hudyat ko at sinimulan ang pag-peperform ng CPR para sa patient. I start pumping the patient's chest habang walang tigil na pagsulyap sa Electrocardiogram Machine ang ginagawa ko at patuloy pa rin sa pag-pump sa dibdib niya.
Nagkakagulo ang paligid ko pero wala akong maintindihan kahit isa sa nangyayari dahil masyado nakatuon ang atensyon ko sa pasyente at sa isinasagawa kong pagrerevive dito.
"Oh, god! Please, fucking breathe!" Mahinang bulong ko habang patuloy pa rin sa pag-pump.
Nasa pang apat na set na 'ko ng 30 chest compressions nang sa wakas ay nagkaroon na ng heartbeat ang pasyente. Tumigil ako sa pag-pump at agad namang lumapit ang isang nurse sa patient para kabitan ito ng oxygen.
Hinihingal kong tiningnan ang mga taong nasa paligid ko at lahat sila ay nakatingin sa akin habang may mga ngiting nakapaskil sa kanilang mga labi.
"4 minutes," Wika ni Maxine, sabay turo sa wristwatch niya. "Wala pa ring kupas, babe." Nakangiti nitong saad.
Napailing na lang ako at tinanggal ang tali ng mahaba kong buhok para ayusin ito. Nagulo kase dahil sa ginawa kong pag-rerevive sa patient. Nang matapos ay nagpaalam na 'ko sa kanila at umalis na sa Emergency Room para muling magtungo sa opisina ko.
-
For the nth time, I breathe out a lungful sigh. People talk about grief as emptiness, but it's not empty. It's full. Heavy. Not an absence to fill. A weight to pull. Your skin caught on hooks chained to rough boulders made of all the futures you thought you'd have.

BINABASA MO ANG
On The Right Time
RomanceAt the age of twenty six years old, Scarlett got the title of being 'The Great Youngest General Chief Surgeon of Dwason Medical Center'. Since Scarlett was a kid she has had this number one goal in life. And it was to make her parents proud of her...