[06] So I'm hiding what I'm feeling.

8.8K 95 9
                                    


Chapter Six

AICEL

Pagkababa ko ng kotse ni Lewis, nagpaalam na agad ako sakanila.  Grabe ang awkward lang habang  nasa loob ako ng kotse. I mean, ang awkward para sakin kasi feeling ko ang epal ko. Kumbaga sa isang romance novel, may bidang babae, may bidang lalaki at isang dakilang epal na may gusto sa bidang lalaki. At masakit mang isipin, ako ang epal na yon. Tama nga siguro si Sage. Kung dumating ang araw na maging sila Lewis at Patch, pang-third wheel na lang ako.

UGH. Kung anu-ano ang iniisip ko eh! Kung di lang kasi ako natakot sa ginawa ni Sage kanina, hindi ako sasabay kela Lewis at Patch.

I waved my hand. “Salamat sa paghatid ha. Mag-iingat kayo pag-uwi. Bye!”

Kukunin ko na sana ang susi ng bahay sa bag ko nang mapansin kong wala pala akong dalang bag! Shoooot naman oh! Naiwan ko nga pala sa school. Shet lang! Hindi ko kasi dinala yun nung pinapunta kami ng teacher ko sa gym para manuod ng program. Eh diba, nagderecho agad kami ni Sage sa mall. Huhu! Yung bag ko!! No choice ako. Babalikan ko na lang kung gusto kong makapasok ng bahay. (~_~)

5:40pm pa lang pero ang dilim na agad ng kalangitan -.- May mga tao pa kaya dito sa school? Parang guard na lang ata ah. Eh sabagay, half day lang naman kami ngayon. Talagang nagsi-uwian na yung mga estudyante at teachers dito. Ang layo pa ng room ko sa gate! Emeged. Nakakatakot lang dahil andaming puno at ang lakas pa ng hangin. Feeling mo may multo kang katabi eh.

Tanga lang, Aicel? Takutin daw ba ang sarili (=___=)

Pagdating ko sa classroom namin, kinuha ko na agad ang bag ko at chineck ang fone kong naiwan ko rin sa loob ng bag. 15 messages?! Grabe! I opened it only to find out na puro mga group message lang pala galing sa mga kaklase at kaibigan ko. Badtrip! Hindi diary ang inbox ko :/ 

Nagmamadali na akong naglakad. Nasa daan na ako papalabas ng gate nang mag-ring ang cellphone ko. HUH? Number lang. Sino naman kaya ito? Hindi ko na lang sasagutin, di ko naman kilala eh. Binabaan ko ito at nag-patuloy na lang ako sa paglalakad. Pero nag-ring na naman ang cellphone ko. 

Nasa madilim akong parte ng school. Tulad nga ng sinabi ko, wala nang estudyante sa paligid. Nakakabingi ang katahimikan. Ayoko pa naman ng ganito. Hindi ko kasi mapigilang mag-isip ng kung anu-anong katatakutan. Medyo matatakutin pa naman ako lalo na’t wala akong kasama ngayon. Bakit ba kasi ang layo ng room namin sa gate? Tae. Tapos nararamdaman ko pang may parang sumusunod sakin. Lalo akong kinikilabutan. Nagsisitaasan ang mga balahibo ko. Sino ba to? Feeling ko talaga may sumusunod eh! Mabilisan na lang ang paglalakad. 

Lakad. Lakad. Takbo. Lakad. 

⊙_☉

O﹏o

⊙.☉

"BOOOOOOOOOOOOO!"

"AHHHHHHHHHHHHHH!!" 

Kumaripas ako ng takbo nang maramdaman kong hinawakan niya ako sa braso. Sa sobrang takot ko, wala na akong magawa kundi mapa-upo ng umiiyak. Bwiset! Ngayon pa nanlambot ang tuhod ko kung kailan kinakailangan ko ng tumakbo! Paano kung masamang tao to? Paano kung may masama siyang balak sa akin? Paano kung patayin niya ako?!

“UWAAAAAA! NANAY KO PO!!!!”  

I felt someone grabbed my arm. Mas lalo akong kinabahan. Pilit akong nagpupumiglas sa hawak niya. Hinahampas ko na nga siya ng bag ko ehh! "Bitawan mo ako! Huhuhu! Bata pa ko! Marami pa kong pangarap sa buhay. Maawa ka naman sa akin! Waaaaaaah!"

"Have you lost it? Muka ba akong multo sayo?" He chuckled.

Idinilat ko ang mga mata ko dahil sa nagsalita yung humawak sa akin. May konting liwanag sa kinatatayuan niya kaya nakilala ko na kung sino ito ngayon. Agad kong pinunasan ang muka kong basa ng luha kanina. 

Bizarre Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon