Chapter 33: Condition

28.8K 758 41
                                    


Brown-Eyed Queen

Chapter 33: Condition

--

Third Person's POV

"Q-queen tama na.." nag-aalangang sambit ni Axel. Nakakatakot kasi ang aura ni nya at walang habas nya talaga ito pinagbabaril.

Pero hindi tumigil si Queen.

Saka lang sya tumigil nang makontento na sya. Tadtad na ng bala at nagkalat na ang dugo ng Darkstar. Kalunos lunos ang sinapit nila kay Queen. Hindi naman sana iyan mangyayari sa kanila kung hindi nila trinaydor si Queen.

Matapos nyang pagbabarilin ang mga subordinates nya, naglakad sya papalapit sa walang buhay na na katawan ni Leon.

Hinugot na nya ang dagger na nakatarak sa likuran ni Leon at naglakad na papalapit sa apat. Biglang nagtaasan ang mga balahibo nung tatlo dahil nakakatakot si Queen sa mga oras na 'to, bitbit pa nya ang kanyang duguan dagger.

Lumapit sya sa kanila. Tinulungan nyang makatayo si Warren at Axel.  Sunod nyang tinulungan si JD pero tumanggi sya dahil kaya nyang tumayong mag-isa.

"Okay lang Queen. Si Cypher ang kailangan mong tulungan." wika ni JD.

Lumapit naman si Vera sa kanya at inalalayang tumayo.

"Napuruhan ka. I'll take you to Safe Haven." aniya.

Hindi na nagawang sumagot ni Tyrone dahil lubos na syang nanghihina.

Isinakay nya si Tyrone sa kanyang sasakyan.

"Q-queen.." sambit ni Tyrone.

"Don't talk." sambit nya sabay napadako ang tingin nya sa kanang dibdib ni Tyrone na wala pa ding tigil ang agos ng dugo at tuluyang nabalot ng dugo ang damit nya. Bahagya syang lumapit sa kanya at  marahas nyang pinunit ang damit ni Tyrone at binuhol buhol iyon para ipalupot at itali sa kanyang sugat. Bahagya din nyang hinigpitan ang tali upang mabawasan ang pressure.

Napapikit na lang ng mariin si Tyrone sa hapdi. Matapos nyang lagyan ng pressure ang sugat nya, hinayaan na nya si Tyrone sa upuan at iniwan nya ito sa loob at lumabas sya saglit at may tinawagan.

"Hello. Send your mens here. Fix the mess."

Wala pang ilang oras ay mabilis na nakarating ang mga tauhan ni Mr. Blancard. Mabilis silang nakarating sa kinaroonan nila buhat sa tracker nang tumawag si Vera.

Nagsilapit naman sila sa kanya sabay bow.

"Assist the three of them. Follow me." aniya sabay turo sa tatlong sina Axel, JD, at Warren bago sya sumakay sa sasakyan.

Pinaandar na nya ang sasakyan at mabilis silang umalis sa lugar dahil kailangang gamutin si Tyrone dahil marami rami ng dugong nawawala sa kanya.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon