Chapitre 7

13.9K 523 58
                                    

Pinanood kong ilapit ni Lem ang bangka niya sa buhangin at ang paglapit ng limang tauhan ni Keian dito.

" Anong ginagawa mo dito? Provate property ito" sabi nung kumausap sa akin kanina kay Lem.

Napakamot ng batok si Lemuel.

" Ah, tinawagan ako nung ma'am niyo eh" kumunot ang noo ng mga tauhan at tumingin sa banda ko.

Nandito kasi ako sa terrace ng bahay.

Ngumiti ako sa kanila tsaka naglakad palapit.

" Uhmmm"

" Ma'am ang sabi po ni Maître bawal kayong umalis dito"

" Sige na kuya, kailangan ko lang talagang pumunta sa bayan" nag-isip ako ng kasunod na idadahilan ko...

" Nagc-crave ako ng pagkain na sa bayan lang mabibili... Hahayaan niyo bang magutom ang anak namin ni Keian?" Ngumiwi si Lem sa akin at umiling.

" Pwede po naming bilhin iyon, ano po ba ang gusto niyo?" Ngumuso ako.

Not good Nass.

" Nai-stress kami ni baby na mag-isa lang dito, sige na kuya, kahit samahan mo pa ako para mabantayan, okay lang" nagkatinginan yung lima sa sinabi ko.

Ha!

Ang galing mo Nass!

" Sige po ma'am" ngumiti ako at bumalik sa bahay para kuhanin ang bag ko.

Hindi pa ako naguumagahan, siguro doon nalang ako sa bayan kakain. Maayos na din naman na ang damit ko kaya hindi na kailangang magpalit.

Nagsuot na din ako ng jacket kasi at dala ang gamit ko, lumabas ako ng bahay at lumapit sa bangka ni Lem.

Tinulungan niya akong sumakay sa bangka niya habang tatlong men in black ang sumakay din sa bangka.

Dalawa ang naiwan dito sa isla.

Pero sigurado ako na hindi lang dalawa ang tauhan ni Keian dito sa isla.

" Okay na?" Tumango ako kay Lem at nagsimula na siyang itulak ang bangka paalis sa buhanginan.

---

Nakailang buntong hininga na ako habang naglalakad sa tabi ng dagat.

Para akong anak ng presidente na may nakasunod na tatlong lalaking nakasuot ng suit sa likod ko, kasama pa si Lem.

Nag-uusap kami ni Lem habang naglilibot kaso lang todo tingin yung mga taong nakakasalubong namin eh.

" Hello po" curious na nakangiti kong tinignan ang dalawang babaeng nakabikini na lumapit sa amin. Siguro mga nasa 18-21 years old sila.

Nakita ko pang napatitig si Lem sa dalawa. Napailing ako.

Maganda naman talaga yung dalawang babae eh.

" Hi!" Bati ko pabalik.

Tinaas nung isa yung phone niya.

" Pwede pong papicture? Feeling po kasi namin eh sikat kayo eh, may bodyguard pa" tumaas ang kilay ko pero nakangiti pa rin.

" Tsaka ang pogi din po nung kasama niyo" tumingin sila kay Lem na napakamot ng batok pero ngumiti sa dalawang babae.

Napanguso ako.

" Okay lang po kung hindi pwede" sabi nung isa.

" Ay hindi, okay lang" malapad akong ngumiti sa kanila.

" Talaga po? Sige po thank you po" sabay nilang sabi sabay taas ng kamay nung isang babae para magselfie.

Pagkatapos ng... madaming pictures, sumigaw ang dalawa at nagtatalon matapos tignan ang cellphone.

Maid for the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon