Chapter 35: Queen Versus Kings

34.3K 852 47
                                    


a/n: sorry sa pagong na update. di ko na maretrieve ng utak ko yung pinagtata-type ko T T nawala yung kalahati at wala akong back-up kaya ni-retype ko. waaaah sorry kung eto lang nakayanan ko. sana maintindihan nyo.

ps, sya yung portrayer ni madam vera XD at magcocomback na syaaaaaa! /fangirl feels/

vote comment and be a fan

--

Brown-Eyed Queen

Chapter 35: Queen Versus Kings

--

Third Person's POV

"Birthday ng Daddy mo ngayon diba?" tanong ni JD habang abala sa pag-sisit-ups.

"Oo at nagtatanong na nga sya kung bakit dalawang araw na akong hindi umuuwi." sagot naman ni Axel na abala sa pag-pupush up.

"Anong sabi mo?" tanong naman ni Tyrone na nagbubuhat ng maliit na dumbell.

"Sabi ko nagsisipag sa research." sagot ni Axel.

"Mga palusot mo eh." sagot naman ni Warren na nag-coconcentrate sa pagtataekwondo ng mag-isa.

"Wala na akong maisip na palusot eh. Alangan naman sabihin kong nabugbog ako. Ikaw, wala ka bang balak tumawag sa inyo?" tanong ni Axel kay Tyrone.

"Hindi. Di ko rin naman alam irarason ko." sagot naman ni Tyrone.

Dalawang araw na ang lumipas simula ng mangyari ang engkwentro nila sa Darkstar at nasa Safe Haven pa din sila.

Tuluyan silang nagpapagaling nang sa ganoon ay maisakatuparan ang deal sa pagitan nila ni Queen, ang matalo sya sa laban.

Binigyan sila ni Queen ng isang araw ng pagpapahinga at ngayon ay nakatakda ang araw nila ng pag-eensayo kaya ngayon ay puspos sila sa pag-eensayo at pagpapalakas.

"Hoy Tyrone dahan dahan sa pagbubuhat. Bumuka tahi mo dyan." puna ni Axel habang patuloy sya sa pag-pupush up.

Tinitigan lang sya ni Tyrone at nagpatuloy pa din sa pagbubuhat.

Nasa isang silid sila ngayon sa loob ng Safe Haven kung saan ay isang replika ng gym. Kompleto sa mga gamit pampaganda ng katawan at pag-eehersisyo.

Habang abala sila sa pag-eensayo, abala din si Queen sa pag-fifiring sa kanyang firing ground.

Pinagpapraktisan nya ang iba't ibang kalibre ng baril. Kahit sya pa ang tinaguriang pinakamalakas na gangster, hindi pa din sya dapat magpakampante at kailangan pa din nyang mag-ensayo.

Bahagya syang huminga ng malalim at sunod sunod syang bumaril sa target spot.

BROWN EYED QUEENTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon