Chapter 31

28 5 2
                                    

Dedicated to Miss_Ceil & snowhitefairy

ATHANA'S POV

"Athana, ayos ka na ba?"

"What happened?"

"How do you feel?"

"Dalhin natin siya sa mini ospital!"

"Zotiria, talk to me."

Hindi ko namalayang nakatulala na pala ako sa kawalan. Nawala na rin ang pananakit ng ulo ko. Tandang-tanda ko na ang lahat. Kaya pala parang palaging may kulang sa mga alaala ko. Kaya pala magaan ang loob ko sa kanila. Kaya pala pakiramdan ko ay matagal ko na silang kilala, matagal ko na siyang kilala.

"Sebi... Trite... Effie." sunod-sunod ko silang tinignan. Nang dumako ang tingin ko kay Effie ay hindi na iyon naalis pa. Kita ko sa mukha niya ang pagtataka at kaba.

"Effie...  I remember everything." rumehistro sa mukha niya ang gulat.

"Anong sinasabi mo, Schy?" tanong ni Anee.

"I remember everything."

We were all childhood friends. Simula ng mag five years old ako ay nagkakilala kaming lahat bukod kay Seb na nakilala ko lang noong ako ay mag eight years old. Magkakaibigan ang mga magulang namin kaya't naging magkakaibigan din kami. Lahat ng kaganapan sa buhay ko ay kasama sila. Palagi kaming naglalaro sa kastilyo noon dahil palagi ring nandoon ang mga hari at reyna ng iba't-ibang kaharian. Pero noong 10th birthday ko ay nagbago ang lahat.

"Zotiria, I'm sorry. I'm so sorry. I didn't wanted to do that. Sabi nila ay kailangan ko iyong gawin para sa ikabubuti nating lahat. I don't know what they mean. I was young back then, I didn't know what to do. I'm so sorry, my princess. I'm so sorry." lumuhod siya sa harap ko habang hawak ang dalawa kong kamay.

"Hey, stand up." inakay ko siya patayo at hinaplos sa pisngi.

"I'm not mad. I understand. Wala kang ginawang masama, ok?" nakangiting sabi ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya.

"What is happening?!" takang tanong ni Anee.

"I think we should go ask mom and dad." seryosong sabi ko.

*KINABUKASAN*

Hindi ako nakatulog ng maayos kakaisip kung bakit kailangan pa nilang burahin ang mga alaala namin. Maski sila Anee, Sebi at Trite ay nabura ang alaala. Tanging si Effie lang ang nakakaalam ng lahat.

We used to call each other those nicknames. I remembered how happy our childhood was. Pareparehas din kaming nagho-home study noon sa kastilyo. Walang araw na hindi kami masaya magkakasama, tulad ngayon.

Ngayon ay aalamin namin kung anong dahilan nila upang alisin ang mga memorya namin ng isa't-isa.

Papunta kami sa office ni ate. Sakto naman na pagpasok namin doon ay papalabas pa lang siya.

"Oh? What are you doing here, guys?" takang tanong niya. Halatang nagmamadali na naman siya.

"Good morning, ate Ilene." pagbati namin.

"Good morning din. Do you need anything? I badly need to go. But you can talk to Nyx, he's insi—"

"I remember everything, ate." tulad ni Effie ay rumehistro sa mukha niya ang gulat. Tila natigilan din siya. Nang makarecover ay tumingin siya kay Effie.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon