Ang Kwaderno

10 5 0
                                    

*****A Never Ending Love*****

Ang Kwaderno
Kingsays Alegrius Writes

Kinabukasan matapos matanggap ang liham ni Don Iko, si Mark ay maagang gumayak upang magtungo sa mansyon.

Samantalang si Liza naman ay naroroon din na nagpapahinga sa kapaguran sa maraming araw na pangangampanya nito para kay Atty. Greg.

Sa tahanan naman ni Don Primo ay panik panaog din ang mga iba't ibang panauhin upang kausapin at makadaupang palad ang bagong gobernador ng lalawigan na si Atty. Greg.

Hindi masyadong nagkaka usap ang mag amang Don Primo at Greg. Silang dalawa ay abalabg abala sa pakikiharap sa mga samu't saring tao na bumibisita sa sa tahanan nila.

Lingid sa kaalaman ni Atty. Greg ang kanyang ama ay may mga palihim ng mga katransaksiyon upang magkamal ng salapi sa mga ito. Isang napaka karaniwang uri ng korupsiyon na niluluto na niya unti unti kahit ikasira pa ng kanyang anak na gobernador.

Marami ang naakit sa tamis ng mga salita ay tulis ng dila ni Don Iko. Sa mga ilegal na negosyo, sa ilegal na pagtotroso, at maging ang minahan ay nais nitong pasukin upang matustusan ang pagkahumaling nito sa alkohol at casino.

Walang kaalam alam si Atty. Greg na unti unti na siyang ibinabaon sa pagkakalugmok ni Don Primo na kinikilala nitong ama mula pa ng siya ay nagkaisip.

Taliwas naman ang tingin ni Don Primo kay Atty. Greg. Tinuturing lamang niya itong isang tapayang ginto na kapag naisalin na ang laman nito ay itatapon na lamang na parang basura.

Walang kaalam alam si Atty. Greg sa nakaambang panganib na naririyan na sa kanyang likuran. Hindi niya namamalayan na ang mismong taong pinagkatiwalaan niya ng kanyang buhay ay siya ding nais kumitil nito ng dahil sa salapi.

-itutuloy-

Ang KwadernoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon