Chapter 36: Come back home

1.4M 42.2K 8.4K
                                    

Candice's Point of View


HAWAK-HAWAK KO ang kamay niya habang kinakalma ko 'yong sarili ko. Kinakabahan ako.

"Relax ka lang, Candice," paalala ni Marky. "Nandito lang kami ni Brina."

"Mrs. Lopez, sisimulan na natin ang pag-ultrasound sa 'yo, ha?" sambit ng doktor. Huminga ako nang malalim at ngumiti. "Okay, eto na." Naglagay siya ng gel sa tiyan ko pagkatapos nilagay niya na 'yong pang-ultrasound sa tiyan ko. Tiningnan ko agad 'yong screen at nakita ko agad ang korte ng anak ko. "Eto 'yong ulo niya, 'yong mata at makikita mo dito 'yong heartbeat niya." Tinuro ng doktor 'yong monitor habang ako nakatingin lang do'n at pinagmamasdan 'yon.

Hindi ko napigilang maiyak. Hindi ko rin talaga alam kung bakit, pero siguro sobrang saya ko lang ngayon na finally nakikita ko na siya kahit sa screen lang. Napahawak ako nang mabuti sa kamay ni Marky. Naisip ko na sana nandito si Jeydon para sabay naming makikita ang baby namin at sabay naming malalaman kung anong gender niya.

"Candice, 'wag kang umiyak. Naka-video ka o," singit ni Brina habang hawak hawak niya 'yong phone niya. Tinutok niya 'yon sa screen. "Ayon si baby," masaya niyang sabi.

"Ngayon malalaman na natin ang gender ng baby mo," sambit ng doktor. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. Babae kaya o lalaki? "Oh, it's a boy, Mrs. Lopez."

Napangiti agad ako. So tama pala talaga si Jeydon, lalaki nga talaga ang anak namin. Naiyak na naman ako, pero pinahid agad ni Marky ang luha ko. Buti na lang nandiyan sila para sa 'kin. Kahit kailan talaga hindi kami pinabayaan ni Marky.

Pagkatapos naming pumunta sa OB ko, dumiretso kami sa mall para kumain at mamili ng damit para sa baby ko. Ngayon lang kasi namin nalaman ang gender niya kaya puro neutral lang 'yong nabibili kong damit para sa kaniya.

"Lalaki pala talaga 'yong anak n'yo ni Jeydon," tanong ni Sabrina. "May name na ba siya?"

"Meron na, si Dwayne." Hinawakan ko ang tiyan ko habang nakangiti. "Hi, Dwayne."

"Sino naman ang nag-isip ng pangalan niya?" ,agtatakang tanong ni Marky.

"Sino pa ba? Eh 'di ang tatay niya. Pangalan pa lang daw, bad boy na," sambit ko. Kung alam lang nila na simula pa lang alam na ni Jeydon na lalaki ang magiging anak namin. "Parang gusto kong kumain ng spaghetti."

"Mukhang gutom na nga si Dwayne," sambit ni Marky sabay hawak sa tiyan ko. "Hi Dwayne, ako si Tito Marky, ang future ninong mo," natatawa niyang sabi.

"Say hi sa camera!" singit ni Sabrina habang nakatutok sa 'min ang phone niya. Idea nila ni Marky ang pag-video na 'yan. "Okay, kain na tayo!" masaya pa niyang sabi.

Umorder kami ng dalawang plate na spaghetti para sa 'kin. Pakiramdam ko sobrang gutom na gutom ako kahit na kakakain ko pa lang. Napatingin ako sa tiyan ko. Malaki na siya at palagi ko ng nararamdaman ang paggalaw ni Dwayne sa tiyan ko.

"Three months na lang pala, manganganak ka na," excited niyang sabi. Minsan nga, tingin ko nga mas excited pa silang lahat sa panganganak ko kaysa sa 'kin. "How does it feel? Magiging mommy ka na talaga. Kinakabahan ka ba?" tanong pa niya.

"Kinakabahan? Oo," sambit ko habang ngumunguya ako. Hindi ko talaga mapigilan ang katakawan ko ngayon. "Kaso, sa tuwing nararamdaman ko si Dwayne sa tiyan ko, nawawala lahat ng kaba at takot ko. Excited na akong makita at mahawakan siya."

"I know na magiging mabuti kayong magulang ni Jeydon kay Dwayne," singit ni Marky.

"Kayo ni Sab? Kailan kayo magpapakasal?" Nagkatinginan na lang silang dalawa at parang natahimik lang sila. "Si Stacey kinasal na kay Ginno matagal na at ngayon, buntis na si Stacey." Nanlaki ang mata nila. "Civil wedding lang naman 'yon pero may church wedding sila next month."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon