CHAPTER 1

5.6M 87.5K 58.6K
                                    

CHAPTER 1

TYRON was busy reading the report for the expansion of the Zapanta Hotel in New Zealand when his secretary entered his office. Hindi siya nag-angat ng tingin kahit alam niyang nasa harapan na ito ng mesa niya dahil abala siya sa ginagawa.

"Yes?" Tugon niya na hindi tinitingnan ang sekretarya.

"Sir, Mrs. Zapanta is in line four. She is persistent to talk to you."

He heaved a deep sigh and then grabbed the cord of the telephone.

"Thanks, Lara," aniya sa sekretarya bago inilagay ang telepono malapit sa taenga niya.

Hinintay muna niyang makaaalis ang sekretarya niya bago sinagot ang tawag.

"Good morning, mom." Masigla ang boses na bati niya rito.

"Good morning din sa'yo, anak." May bahid na ngiti ang boses ng ina. "Anyway, napatawag ako kasi gusto kong itanong sayo kung anong petsa ka uuwi rito sa Panggasinan para sa Christmas at New Year?"

Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "Mommy, I'm busy. Hindi ako makakauwi, marami akong ginagawa rito sa office e."

Mula ng magretero ang ama niya, siya na ang namahala sa lahat ng negosyo nila. Sa edad na twenty-three, nakaatang na sa balikat niya ang responsabilidad na i-manange ang kompanya nila. Ayaw naman siyang tulungan ng kapatid niyang babae na si Kreiya. At saka nasa-honeymoon ito at ang asawang si Sky sa Europe.

"Anak, ano ka ba naman? It's holiday. Can't you take a day off?" May pagtatampo sa boses nito. "Please naman anak, darating ang mga relatives natin from abroad at magri-reunion dahil after ten years mako-kompleto na ang buong pamilya. Kahit ang ninang Grace mo uuwi para makasama tayo sa pasko at sa bagong taon."

Itinirik niya ang mga mata. "Mom, uuwi si Ninang Grace kasi kamamatay lang ng asawa niya at kailangan niyang malibang. It has nothing to do with me."

"Anak, don't say that," his mother scolded him. "Hindi ganoon ang ninang mo. Nagka-usap na kami sa telepono at sa December twenty-three sila uuwi at sa bahay natin sila titira."

Nalukot ang mukha niya. "Sila?"

"Yes. Her daughter is coming with her."

"Oh. Okay" Maikli niyang tugon.

"So, kailan ka uuwi?"

Hinilot niya ang sintedo. He had his reasons why he didn't want to go home for Christmas. May usapan kasi sila ng kasintahan niyang si Careen na pupunta sila sa Boracay sa Pasko at sa El Nido naman sa New year. Nangako siya at kapag nangako siya ay tinutupad niya, pero pamilya niya ang kapalit non.

"Anak, may pupuntahan ka ba sa Pasko?" Tanong ng ina niya mula sa kabilang linya ng hindi siya nagsalita.

Bumuntong-hinga siya. "Mom, I have a plan with Careen." Ayaw niyang magsinungaling sa ina niya. "I promised her that we're going to Boracay this Christmas and in El Nido for the New Year."

Nawalan ng imik ang ina sa kabilang linya pagkatapos ay nagsalita ito, walang emosyon ang boses nito. "Okay. Have a happy holiday." Pagkasabi non ay pinatay nito ang tawag.

Sumakit ang sintedo niya. Mukhang nagtampo ang mommy niya dahil hindi siya pupunta sa reunion. Gusto naman niya pero nakapangako na siya kay Careen.

"Hay, naku." Isinandal niya ang likod sa likuran ng swivel chair at ipinikit ang mga mata. "Sana naman mawala kaagad ang tampo ni Mommy." Sana.

Hindi siya mapakali kaya tinawagan niya ang mommy niya gamit ang cell phone niya.

"Mom?" Aniya ng sagutin nito ang tawag niya.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon