CHAPTER 2

3.8M 69.4K 30.3K
                                    

CHAPTER 2

WALANG IMIK si Raine habang nakaupo sa passenger seat ng sasakyan ni Tyron. Pakiramdam niya lumiliit ang sasakyan. She could feel Tyron's presence. She could hear him breathing. She could also feel him glancing at her from time to time. Aware na aware siya sa presensiya nito at hindi iyon normal! At hindi nakakatulong ang pabango nito na parang inaakit siyang lumapit dito at amuyin 'yon.

It looked like Tyron wanted to break the awkward silence between them so he opened the Radio. Selena Gomez's song 'The heart wants what it wants' blasted on the Radio.

Napangiwi siya sa kanta. Ano ba naman 'yan? She liked Selena but this song of hers really annoyed her. Sa lyrics palang masasabi mo ng tanga ito. Siguro nga ganoon ang pag-ibig at deep down inside her, natatakot siya na mangyari sa kanya 'yon na kahit nasasaktan na nagmamahal pa rin at nagtatanga-tangahan nalang.

"So, hanggang kailan kayo titira sa bahay?" Anang boses ni Tyron na para bang hindi ito sang-ayon na makasama siya sa iisang bubong.

Binalingan niya ang binata saka ibinalik ang atensiyon sa harapan. Maayos niyang narinig ang tanong nito kahit pa maingay ang radyo.

"Three weeks? A month? Hindi ko alam," sagot niya, sabay kibit-balikat.

He clicked his tongue. "Bakit hindi mo alam? Dapat alam mo. Kasama ka sa nagbabakasyon 'di'ba?"

Tumaas ang isang kilay niya. She felt insulted. Parang ayaw sila nitong patirahin sa bahay nito. "Kung ayaw mong tumira kami sa bahay mo, just say so. Hindi naman namin ipipilit ang mga sarili namin. We can live in a Hotel if that will make you sleep better at night." Puno ng sarkasmo ang boses niya.

"You're my parents visitor." His voice was flat.

"It doesn't matter if we are or we aren't," mariing sabi niya. "Period."

"But you are," pamimilit nito.

Nagpakawala siya ng isang mahabang buntong-hininga. "Fine. We are. Happy?"

Ang pinaka-ayaw niya sa lahat ay ang makipag diskusyon tungkol sa mga walang kwentang bagay. At bakit ba nito pinipilit na bisita sila samantalang halata naman sa mga tanong nito na ayaw silang patirahin sa bahay nito? Paki naman niya kung ayaw nito. Hindi naman yata siya mamamatay kung hindi ito pumayag.

"I'm just stating a fact." Ani nito. "You are my parents visitor."

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "You are a jerk, alam mo ba 'yon?"

Halatang nagulat ito na tinawag niya itong 'jerk'. Wala pa ba ritong tumatawag na ganoon?

"I'm not a ... jerk." He replied grimly.

She chuckled nonchalantly. "Anong hindi? Pinapamukha mo sa akin na hindi ka sangayon sa pagtira namin sa bahay niyo. That's okay. Wala akong pakialam kung ayaw mo. But if you see me as an unpleasant bug visitor in your house, then that's how you see my mom, too. So yeah, you're an asshole for rubbing it in my face that we are not welcome. How rude can you be?"

Napipilan ito at humigpit ang pagkakahawak sa monabela. "Hindi iyan ang ibig kong sabihin."

"Whatever. Makipag-usap ka sa hangin." Pagtataray niya.

Ihinilig niya ang ulo sa gilid ng bintana at tumingin sa labas ng sasakyan. Ang aga-aga, nabi-buwesit at naiirita na siya. Ano ba ang problema nito sa kanya? Sa pagkakaalam niya, may kapatid din ito. Hindi rin ba ito sang-ayon na manatili sila sa bahay ng mga ito? Hope not. Baka umuwi siya sa Canada kahit walang pahintulot ng Mommy niya. Pero wala rin naman siyang gagawin sa Canada dahil on leave siya at ang kaibigan niyang si Mhel ay kasama ang pamilya nitong nagbabakasyon sa Santorini.

POSSESSIVE 1: Tyron ZapantaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon