Midnight Lover - 15

198K 2.2K 58
                                    

RAVEN


Dahil masyado akong engrossed sa ginagawa ko, hindi ko namalayang mag a-alas onse na pala ng gabi. Kung hindi ko pa narinig ang malakas na katok sa baba ay hindi pa ako matitinag sa kinauupuan ko.



Nag-iinat ako habang pababa ng hagdan. Ngayon ko lang naalala na may usapan nga pala kami ni Asher na mag-iinom kami ngayon.



"Kanina pa ako tawag nang tawag sa 'yo, bakit hindi ka sumasagot?" agad na bungad sa 'kin ni Asher nang pagbuksan ko siya ng pinto. May bitbit siyang malalaking plastic sa magkabilang kamay.



"Baka naka-silent 'yong phone ko kaya 'di ko narinig 'yong mga tawag mo," sagot ko kahit ang totoo ay sinadya ko talagang i-silent 'yong phone ko dahil ayokong may maka-istorbo sa 'kin kanina.



Niluwagan ko ang pagkakabukas ng pinto at hinayaan siyang pumasok. Dumiretso siya sa kusina habang ako naman ay pumunta ng CR. Habang nakaupo ako sa trono, hindi ko maiwasang balikan sa isip ko ang itsura ni Ash kanina nang pagbuksan ko siya ng pinto.



Halatang kakaligo lang niya dahil may tumutulo pang tubig mula sa buhok niya papunta sa malapad niyang balikat. Mamasa-masa ang labi niya na hindi ko alam kung sinadya niyang basain o ganoon lang talaga 'yon. Wet lips si loko.



Anyway, he smells nice. Like citrus and evening breeze. Parang ang sarap niyang yakapin at pupugin ng halik.



At bago pa man mapunta sa kung saan ang pag-iimagine ko kay Ash, lumabas na ko ng banyo at naabutan ko siya na prenteng nakaupo sa sala habang nakapatong ang dalawang paa sa center table. At home na at home talaga si loko.



"Hindi pa ako naghahapunan," sabi ko kay Ash nang tumabi ako sa kanya.



Mabilis na tumayo si Ash at bumalik ng kusina para ikuha ako ng pagkain na dala niya kanina. Pero habang naghahanda ng pagkain, panay naman ang sermon niya. "Gusto mo bang magka-ulcer? Wala ka namang ginagawa dito sa bahay mo tapos nagpapalipas ka pa ng gutom. Hindi maganda 'yan, neng," pagbubusa pa rin nito.



"Ngayon lang naman. Saka may ginagawa kasi ako kanina."



"Kahit na ano pa ang ginagawa mo, hindi mo dapat kinakalimutan ang pagkain. Hindi magandang nalilipasan ng gutom ang isang tao. Ang dapat yata ay doon ka na tumira sa apartment ko para may mag-asikaso ng pagkain mo," aniya habang pabalik na ng sala bitbit ang isang plato na puno ng pagkain.



Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa huling sinabi niya. "Ano nga uli 'yong huling sinabi mo?"

Midnight Lover [RATED SPG / COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon