Chapter 14

36.3K 1.1K 207
                                    

Chapter 14

Bargained

"Labas!" matigas kong sabi habang nakatalikod siya sa akin at nakaharap sa bintana ko. Pinatong niya ang baso sa gilid at pinatong ang kamay sa ibaba ng bintana, may dinudungaw sa labas.

"Who's the boy?" tanong niya bago ako hinarap. Kinuha niya ang baso at inubos ang tubig sa harap ko, nakatitig sa akin. "I'm asking you. Close mo?" nang maibaba niya na ang baso.

I frowned. What? He's jealous?! Or, maybe... He's just trying to put pressure on me while, in fact, he should be the one receiving tons of stress and disappointment!

"Labas na..."

"Close nga kayo?" masungit niyang tanong, nakatayo na sa harap ko, towering over me.

Umirap ako. "Schoolmate ko! Batchmate. Kilala ko lang kaya nakausap!" mataas ang boses ko dahil sa pagkairita sa kanya.

Tumango siya at nakatingin pa rin sa akin. I glared at him while he just stared with his neutral expression. Hindi ko tuloy mawari ang kanyang nararamdaman ngayon.

"Zoren, pwede ba, ayaw kitang kausap ngayon. I'm not in the mood to hear your sweet little lies."

"I'm here to explain, not serve you lies."

Umirap ako at tatalikod na sana para lumabas ng kwarto nang isara niya ang pinto gamit ang kanyang kaliwang palad. I jumped a bit because of his swift move that made the door shut so loud. Sumandal siya sa pinto at doon humalukipkip. Pinagkrus niya rin ang kanyang mga paa. Tinaasan niya ako ng kilay.

"I did not attend class just to explain here, Kesian. You weren't answering my calls..."

Ginaya ko siya, humalukipkip din ako sa harap niya. Hindi ako padadaig.

"First, I did not summon you here. Second, I will not answer your calls because I was pissed and disappointed. Third, I don't want you here."

I don't want you here... Kahit sarili ko pinagdududahan ko. Seriously, Kesian? You don't him here? Pwede rin. Ayaw ko siyang nandito dahil mas malaki ang tsansa na bibigay ako.

I saw his jaw clenched, and I was a bit tamed. I sighed and regained my anger. Hindi pwedeng bibigay kaagad.

"Can you listen to me?" tanong niya.

I rolled my eyes and mimicked what he said. Narinig ko siyang nagmura pero hindi tinignan. Nanatili ang mga mata ko sa uniform niya na bukas. Agad din akong lumingon sa ibang direksyon.

Mas nakakarupok pala. Wrong move, Kesian. What a big wrong move. Napalunok ako.

"You won't believe me, but I did that for you..."

Ilang segundo ko siyang tinitigan, hinihintay kung babawiin niya ang sinabi, pero nang walang natanggap na karugtong ay malakas akong tumawa.

"I won't. I really won't!" tawa ko habang sinasalo ang nakakamatay niyang mga titig. "Fine," I sighed, but little chuckles escaped. "For me? What could be the reason? What's my connection to them, anyway?"

He glared at me even more. Oh, I'm scared. Pagkatapos mo akong patawanin...

"Remember harrasing, Dimples?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko.

"What about it?" mabagal kong tanong.

Slowly, I'm getting where he's gonna end. Sumeryoso ang ekspresyon ko. Siya naman itong ngumisi ngayon. Damn you!

"Her mother wants to file a lawsuit," he said, and that made me a little shocked.

Umirap ako nang makabawi. "Go! My father would catch me anyway," proud kong sabi.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon