Chapter 23

38.3K 714 32
                                    

Chapter 23

May mga bagay na akala natin ay perpekto na o sapat na. I reserved myself from my own family and friends. Ang sabi nga ng ilan bago ka muna magmahal ng iba ay mahalin mo muna ang sarili mo. Sinunod ko naman 'yon, mas mahal ko pa nga yata ang sarili ko kaysa iba. Iningatan ko ang sarili ko sa lahat ng tao o bagay na maaaring makasakit sa akin dahil kahit gaano pa ako katapang ay ganoon naman ang takot kong masaktan. Dahil sa lahat ng pagtataray at paglayo ko sa ibang tao ay ang pusong duwag magmahal at masaktan.

Masama nga siguro akong tao upang parusahan ng ganito. I was raped and I lost my baby. Lahat ng iyan ay sinubok ang katatagan ko, sinubok kung hanggang saan nga ba talaga ang isang Yvette Villena. Sa pagdating ni Miguel ay nagbago ang lahat, I found new hope, ang wasak kong pagkatao ay unti-unti niyang binuo. Kahit pa madalas ay siya ang nagpaparamdam ng imperfections ko, ipinakita niya sa akin na hindi sa lahat ng panahon ay ako ang tama, na hindi ko kayang mag-isa at dahil doon natuto akong dumepende sa kanya. Idepende ko pati puso't kaluluwa ko.

Madali niyang napaniwalang mahal niya ako. Ang dali niyang nakuha ang tiwala ko. Ang dali niyang napahulog ang loob ko sa kanya. Ang dali niya akong nahulog sa kanyang patibong. Ang lalaking tumulong saking buuin ang sarili ko ay siya rin palang babasag sa paniniwala at pagmamahal ko. Ngayon, paano pa ako magmamahal? My heart scattered into million pieces and now there is barely enough so that I can stay alive.

Hanggang sa kahuli-hulihan ay ipinagtanggol ko si Warren, ibinigay ko ang lahat ng nakayanan kong ibigay pati nga mismo ang sarili ko eh. Minahal ko siya ng todo ngunit bakit siya pa? Ang masakit sa lahat natatakot ako sa nararamdaman ko? Kahit anong pilit kong pagsuklam sa kanya ay nanaig pa din ang pagmamahal ko sa kanya. I want to hate him! I want him to rot in hell! Kasabay ng pagkabulok niya sa kulungan ay pagkabulok rin ng puso kong hindi na yata ulit magmamahal.

Bakit ba hindi ko magawang magalit kay Warren? Sa tuwing naiisip ko kung paano niya ako minahal at pinahalagahan ay natutunaw na ng suklam na pilit kong itinatanim sa puso ko. I've been through alots of trials and have shed so many tears. I'm done loving you Miguel. Hindi ko 'to gagawin dahil galit ako, gagawin ko ito para sa mga taong nagmamahal at nasasaktan para sa akin.

"Case #7994. The Republic of the Philippines versus Dr. Miguel Warren Wenceslao" sukat pagkabanggit ng pangalang iyon ay nanginig ang bawat kalamnan ko kaya naman pirmi akong inalalayan ni Daddy. Hindi pa nagsisimula ang trial ay iyak na ako ng iyak. Ilang beses na akong sinabihan ng abogado ko na maaari naman akong sa labas na lang dahil madugo at marahas ang magiging trial. Dapat ay narito ako. Malamig ang kamay ni mommy ng hinagap niya ang aking kamay at binigyan ako ng assurance. 

Ngayon lamang ulit kaming magkikitang dalawa ni Warren sa loob ng ilang buwan niyang pamamalagi sa loob ng kulungan. Sa gilid namin ay ang ama niyang nagpupuyos sa galit, kanina'y muntik na silang magbanggaan ni daddy ng sabay silang pumasok sa loob ng korte. I feel so numb. Pati mga labi ko'y wala na ring maramdaman basta ay kusa na lamang tumutulo ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak, marahil nagluluksa ang puso ko para sa lalaking minahal ko ng husto.

"He's here." pinigilan ko ang sarili kong sundan kung saan nakatuon ang atensyon nila mommy. Diretso lamang ang aking mga paningin at ang aking mga luhang walang katapusan sa pag-alpas. Parang gripo ang mga mata ko, mga luhang hindi malaman ang dahilan ng pag-agos. I just want to end this misery. Sa gagawin kong 'to ay parang sasakdalan na rin ang buong buhay ko.

"Ang kapal ng mukhang tumingin pa dito. Manang-mana siya sa ama niya. Dapat talaga ay may death penalty na rito sa Pilipinas! Kung kaya ko lang pumatay ng tao." gigil na gigil na saad ni daddy habang ako naman ay umiiyak pa rin. Ayokong lingunin kung saang parte naroon si Warren dahil sa oras na gawin ko 'yon ay baka takbuhin ko na lamang siya at yakapin. Natatakot akong tanggapin ko na lamang ang lahat at patawarin siya.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon