CHAPTER 29

548K 24.5K 42.4K
                                    

CHAPTER 29

LAHAT KAMI ay pinanood si Maxrill Won na titigan ang mangkok sa kaniyang harapan nang dumulog kami sa mesa. Napalingon ako kay tatay nang matunog siyang ngumisi at nasisiguro kong si Maxrill Won na naman ang dahilan. Napalingon si Maxrill sa kaniya at nakitawa na para bang maging ang sarkasmo ni tatay ay hindi niya nakuha. Saka niya muling ibinaling ang paningin sa ulam namin at tinitigan iyon.

Palihim akong napangiwi, nahihiya ako dahil iyon lang ang ulam namin at siguradong hindi niya alam 'yon. Lalong imposibleng nakatikim na siya nang ganoon.

"Hmm?" baling ni Maxrill Won kay nanay, na sumagot naman gamit ang salitang sila lang ang nagkaintindihan.

Napatitig ako kay Maxrill Won nang nakangiwi siyang tumango-tango. Natigilan ako nang damputin niya ang sandok ng ulam at magsalin sa malalim na platitong nasa tabi niya. Sinadya marahil ni nanay na lagyan siya niyon sa tabi ng kaniyang plato.

Napalunok ako nang panoorin si Maxrill Won na tikman ang sabaw ng ulam. Walang mababasang emosyon sa kaniya nang minsan niya pang tikman. Saka siya nakangiwing tumango-tango.

"Tastes good," ngumiti siya kina nanay at tatay at saka bumaling sa 'kin.

Pinigilan kong mangiti dahilan para makagat ko ang aking labi. Hindi ko inaasahang mababawasan ang magandang ngiti ni Maxrill Won at bababa ang tingin sa labi ko. Tumikhim siya at nakangiting bumaling sa aking mga magulang.

"I like it," sabi pa ni Maxrill Won.

Ngumiti si nanay. "Ano ba namang pagkain ang hindi mo nagustuhan?" sinabi niya 'yon nang nakangiti, nang-aasar. "Si Bree Anabelle ang nagluto nito," ipinagsandok siya ni nanay sa mangkok.

Palihim akong napasulyap kay tatay at gano'n na lang ang panunuya sa kaniyang tingin na naroon pa rin kay Maxrill Won. Gano'n na lang ang tuwa sa loob-loob ko, kung ano-ano ang naisip ko, hindi man lang ako umasang magustuhan ni Maxrill ang ulam namin. Parati na lang akong nasosorpresa sa lalaking ito.

"Where's your brother and sister by the way?" tanong ni Maxrill Won, ako ang kausap ngunit nasa pagkain ang paningin.

"Nasa school siguro," sagot ko na ang paningin naman ay na kay tatay.

Hindi pa rin kasi nawawala ang nanunuyang tingin niya kay Maxrill. Iyong para bang diskumpyado siya dahil nagustuhan nito ang ulam na pinang-aasar niya. Ano na lang ang magiging reaksyon niya kapag nalamang hindi naintindihan ni Maxrill ang kaniyang mga sinabi kanina?

"Si Bree Anabelle kasi ay member ng BIS band habang si Kuya Kev naman ay varsity player kaya tuloy-tuloy ang practice nila kahit bakasyon," mahabang paliwanag ko.

"How about you?" nakangiting baling niya sa 'kin.

Pakiramdam ko ay namula ako nang gano'n na lang niya sunggaban ang mukha ko, sa harap ng aking mga magulang.

"Ako...ano..." napasulyap ako kina nanay at tatay saka muling ibinaling ang paningin kay Maxrill Won. "Wala."

"Why?" kunot-noo niyang tugon. "You can sing, too."

"Ha? Hindi." 'Ayun na naman ang hiya ko na hindi naman na dapat maramdamdan, kailangan ko nang masanay na pinupuri niya.

"I like your voice, Dainty," mahinahong sinabi ni Maxrill Won. "You should join your sister's club, too."

"Mahiyain si Dainty," si tatay ang sumagot para sa akin.

Hindi ko malaman ang mararamdaman, nag-aalala akong baka kung ano-ano na naman ang kaniyang sabihin. Kahit pa hindi lahat ay maiintindihan ni Maxrill, hindi maganda ang gano'ng trato ni tatay sa kaniya. Lalo na at maganda ang pakikitungo at trato ng pamilya ni Maxrill sa akin at sa aming pamilya.

LOVE WITHOUT BOUNDARIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon