Sekreto para lalo kang mahalin ng lalaki

2.7K 3 3
                                    

The secret to making him fall deeply in love forever

Nagtataka ka ba kung bakit nagtatagal ang relasyon ng iba. Samantalang ikaw ay palagi na lamang sinasaktan ng mga ex mo.

Baka hindi mo nagagawa ang mga sekreto ng ibang babae kung paano nila i-handle ang relationship nila.

Narito ang ilang sekreto para lalo kang mahalin ng lalaki.

1. Be his support system

Gustong-gusto ng mga lalaki na tinuturuan nila ang mga babae sa isang bagay na alam nila. Pero naghahanap din sila ng babaeng kaya silang pakinggan at suportahan sa oras na problemado sila at may dinaramdam. Let him open to you and allow him to be vulnerable kapag magkasama kayo. Pakinggan mo lang sya at wag mong pangungunahan at didiktahan sa mga dapat nyang gawin. Pagkatapos nyang magsabi ng problema nya ay tsaka ka magsalita at tsaka mo tanungin kung pwede ka bang magbigay ng opinion sa mga pwede nyang gawin para malutas ang problema nya. Kapag narinig nya ang nasa isip mo at mga opinion, asahan mo na ia-appreciate ka nya lalo.

2. Don't be bossy

Ito yung mga babae na pushy. Palaging dinidiktahan ang lalaki ng mga dapat gawin. Magbigay ka lang ng opinion sa kanya, wag mo syang masyadong utusan sa mga dapat nyang gawin. Bumababa ang tingin ng lalaki sa sarili nila kapag masyado silang dinidiktahan at ginagawang walang silbi ng partner nila. Suportahan mo lang sya at ipakita mo ang concern mo sa kanya. Para mas lalo syang maging interesado sayo at mahalin ka nya ng husto.

3. Be his peace not headache

You can talk to him and share your thoughts and everyday activities. Pero wag mo namang i-report lahat ng negative na nangyayari sayo. Unless, kailangang-kailangan mo talaga ng tulong nya. Pero wag namang pati kaunting bagay ay sasabihin mo pa sa kanya. Bring him peace, joy and positivity kapag magkasama kayo. Wag puro stress ang ibigay mo sa kanya.

4. Discover/support his interest

Listen to him and ask his like and dislikes kapag dating stage pa lang kayo. Kung partner na kayo ay suportahan mo sya sa mga interest nya. Pero wag sa sugal at mga nakaka-addict na bagay at baka pati ikaw ay ma-adik na rin. Kung mahilig sya sa basketball, bakit hindi mo sya samahan sa mga laro nya at panoorin mo sya. Sa ganyang paraan ay mas lalo ka nyang mamahalin dahil hindi mo tinututulan ang mga hilig nya.

5. Ipakita mong financially secure ka

This will apply kapag matagal na kayong mag-partner. Hindi masama na magboluntaryo ka na hatian sya sa gastos kapag lumalabas kayo. Ipinapakita mo lang na may malasakit ka sa kanya kaya gusto mong mag-share kayo sa bayarin. Sa ganitong paraan ay mas lalo ka nyang hahangaan dahil pinapakita mo na kaya mo ang sarili mo pagdating sa financial. Pero warning, wag sobrang bait at generous. Know your limit sa pakikipaghatian sa gastos para di ka abusuhin ni guy. At kapag naman dating stage pa lang kayo, aba nakaka-turn off ata kapag ang lalaki ay makikipaghatian pa ng gastos sa date nyo.

6. Marunong kang magsabi ng NO

Ibig sabihin nito ay dapat alam mo kung kailan ka sang-ayon at hindi sang-ayon sa sinasabi at gusto ni partner. Wag kang bow nang bow sa kanya. Kapag sunod-sunuran ka sa kanya ay para ka na ring walang respeto sa sarili mo. Nasaan ang women's empowerment mo kapag ganyan ka. Dapat marunong kang umatras kapag alam mong sumusobra na sya. Hindi ka basahan at tau-tauhan nya. Kaya dapat alam nya na kapag nag-misbehave sya ay kayang-kaya mo syang iwan. Sa ganyang paraan ay mas lalo syang matatakot na iwan ka, mas irerespeto ka nya.

7. Bitinin mo sya

Pag sinabi kong bitinin mo sya, hindi ito yung iniisip mo na kung anong malaswa. Ang ibig sabihin nito ay iparamdam mo sa kanya na hindi ka laging available sa kanya, gaya na lamang sa pagtetext at chat. Bitinin mo sya sa mga message mo. Wag yung mabilis ka pa sa alas kwatro kung mag-reply. Iparamdam mo sa kanya na hindi lang sya ang pinagkakaabalahan mo, na busy ka rin naman sa buhay mo. If ever naman na tinawagan ka nya at sinabi nya na tara labas tayo. Besh, pakipot ka naman ng kaunti, don't be ready for him when he call. Hindi ka last minute kind of girl. Magpa-miss ka naman sa kanya. Asahan mo na kapag pabitin ka, mas lalo yang hahabol sayo.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon