CHAPTER 55: Overnight

2.8K 136 59
                                    

LIAM'S POV

Tapos na kami magpractice para sa Battle of the bands ngayon, mga nagpapahinga na lang.

"Mag-aalas diyes na pala ng gabi, ihahatid ko na lang kayo ni Deil, Zey" sabi ni Henz

Napatingin naman ako kay Zey habang nanliliit ang mga mata, hanggang ngayon di pa din niya sinasabi kung bakit sila magkasama ng Xaymond Flain na yun kanina tsk. Alam naman niyang may masamang balak yung Flain na yun.

"Uh? Liam?"

Napatingin ako kay Henz ng tawagin nya ko

"Ano?"tanong ko

"Kanina ka pa tulala kinakausap ka ni Henz" bored na sabi ni Zey

"Ay teka, hindi ka pala tulala..."dagdag niya kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Bakit mo ko tinititigan?" mapang-asar siyang ngumiti habang nakatingin sakin

Lahat naman sila ay nabaling ang tingin sakin.

"What?! Ano ka assumera?!" sigaw ko tsaka tumayo sa kinauupuan

"Hindi, nagsasabi lang ako ng totoo, hindi ako nag-aassume. Nakita ko kase." sabi nya tapos sumandal sa hiligan ng sofa

Mahina naman akong tumawa dahil sa sinabi nya

"Assuming ka." sabi ko at naglakad na palabas ng bahay nila Pier ang kaso...

"Hala, ang lakas ng ulan." sabi ni Deil

Nakasunod na pala sila lahat para makauwi na kaso biglang bumuhos ang malakas na ulan.

"Pano na tayo makakauwi nyan?" Bulong ni Deil habang nakadungaw sa labas

"Anong sense ng mga kotse nila?" irap na sabi ni Zey

Napataas naman ang kilay ko at humarap sa kanya

"Sinong may sabing isasakay kita?" mapang-asar ko syang nginisian

Tumaas naman ang kilay nya at magsasalita na sana ng sumabat si Henz

"Che-check ko muna kotse ko." sabi nya at sumugod na sa ulan palabas ng gate

Maya-maya lang basang-basa na bumalik si Henz sa loob ng bahay at umiling ito.

"Nakalimutan ko pala ipaayos kanina yung sasakyan ko, may sira kasi pag nababasa."

Lahat sila ay tumingin sakin kaya tinaasan ko sila ng kilay isa-isa.

"What?" tanong ko

"Pasakayin mo na sila sa kotse mo" ani ni Pier

Umiling naman ako

"Ayoko, mahal pang gas"

"Taenq par, yaman-yaman mo parang pang-gas lang." sabi ni Pier

Sinamaan ko naman sya ng tingin

"Eh sa ayoko eh."

Sabay-sabay silang bumuntong hininga tsaka wala na ring nagtangkang magsalita ulit.

"I guess dito muna kayo sa bahay magpapalipas ng gabi." basag ni Pier sa katahimikan

----------

"Oh ano? Dalawa lang kwarto na available ha, yung akin tsaka kay mameng at dadeng na kwarto" sabi ni Pier habang tinuturo yung nasa tapat namin na magkatabing pinto

"Edi lahat na tayong boys sa kwarto mo, tapos si Deil at Zey sa kabilang kwarto." suggest ni Henz

Napa ismid na lang ako at binaling ang tingin kay Zey na busy sa cellphone... Ano kayang pinagkaka-abalahan?

Sa sobrang curious ko, lumapit ako ng onti sa pwesto nya para tignan kung anong ginagawa nya. Pero bago ko pa makita ay bigla na lang namatay ang screen ng cellphone at humarap ito sakin habang dinuduro ako gamit ang cellphone nya.

"May lahing chismoso ka rin pala" walang emosyong mukha nitong sabi sakin at binulsa na ang cellphone nya

"Ha? What are you saying? Psh." bumalik na ko sa tabi ni Pier at di na binalingan ng tingin ang panget na assumerang Zey na yun.

Masyado syang assumera nakakainis. Feeling masyado.

Binalingan ko ng tingin si Zey saglit habang masamang nakatingin sa kanya and guess what.. She just smirked at me. Psh. Nakakairita talaga mukha nito.

"Okay lang ba yon sayo Liam?" tanong ni Henz sakin

Kumunot naman ang noo ko

"Ang alin?"

Napailing ito at tinapik ako sa balikat

"Halika na" sabi nya at hinila na ko sa kwarto ni Pier kaya hindi na din ako nakalingon sa kanila

-----------

"Seryoso ba kayo? Hating gabi na mag-iinom pa? May pasok tayo bukas psh." sabi ko sa kanila

Hindi naman sa hindi din ako nag iinom ng gantong oras pero wala lang kasi ako sa mood mag inom ngayon dahil nakakairita yung mukha nung Zey na yun

Ay teka? Ba't pumasok na naman sa isip ko yung mukha ng assumerang yun. Tsk.

"Why not? Minsan nalang ulit tayo matulog ng magkakasama. I'll get the drink downstairs, tara Carl." sabi ni Pier at naglakad na sila palabas ng kwarto

Bago ito makalabas ng pinto ay humarap muna siya samin ni Henz.

"Tawagin ko na din si Zey at Deil." sabi nya tapos ay lumabas na kasunod si Carl

Psh. Ba't tatawagin pa yung assumerang tomboy na yun? Tsk. Panira lang ng araw mukha non eh.

Nang makabalik na si Pier at Carl ay mag dala na itong hard drinks tsaka mga beer. Kasunod nila sina Deil at tomboy na si Zey. Psh.

Napairap na lang ako sa hangin ng magtama ang tingin naming dalawa.

"Ito na!!!!" sigaw ni Pier at nilapag ang mga alak sa mini table niya

"Seryoso ba kayo? Parang hanggang bukas na yang inumin na yan" sabi ko sa kanya

"Ano ka ba.. Okay lang yan ngayon lang naman to.. Pag meron ulit dapat kumpleto na tayo HAHAHAHA"

Nailing na lang ako

Umupo na silang apat at pag minamalas ka nga naman, katapat ko pa tong tomboy na to.

"Nainom ba kayo? Deil at Zey?" tanong ni Henz

Yumuko lang si Deil at hindi naman sumagot si Zey, tomboy talaga.

"Nakapagsabi ka na ba sa kambal mo Deil? Mamaya biglang sumugod yun dito na naapoy yung ilong ha.."natatawang sabi ni Pier

Natawa naman si Deil tapos umiling

"Hindi yun HAHA nakapagsabi na din naman na ko sa kanya"

Tumango tango lang si Pier at nagbukas na ng ilang beer at isang hard drink

"I drink too" nahihiyang bulong niya habang nakatingin kay Henz, ngumiti naman si Henz sa kanya at tumango

May something ba sila? Psh.

"Ano ka ba wag ka na mahiya samin" sabi ni Pier at tinapik sa balikat si Deil

"Oo nga, para naman kayong others pag ganon." dagdag ni Carl sa sinabi ni Pier

Napailing na lang ako at naglagay ng alak sa baso. Maya maya lang ganun din ang ginawa ni Zey.

"Let's get drunk!!!"sigaw ni Pier at tinaas ang baso

"Goodluck" sabi ko habang nakatingij kay Zey at ganun din siya, tapos ay ngumisi ng mapang-asar. Hinahamon ata ako nito. Tignan ko lang kung hanggang saan kaya mo. Ngumingising nilagok ko ang laman ng basong may alak at pabagsak na nilapag ang baso sa table kaya napatingin silang lahat sakin at natigil sa pagke-kwentuhan

Ngumisi ako at matalim na tinitigan si Zey



"Let's play a game."

Weston High | On HoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon