Chapter 34: Exact Look

2.3K 84 15
                                    

Gwyn's POV

Nandito na ako ngayon sa kwarto ko. 4:30 a.m pa lang ng umaga at kung matutulog pa ako baka hindi na ako makapasok sa morning class ko ngayon kaya napag desisyonan ko na lang na basahin ulit ang golden book.

(A/N: Remember that book guys? Yung sa chapter 29)

Siguro nag tataka kayo kung bakit nasa akin ang librong yan. Ganito kasi yon.........

~~•flashback•~~

Habang tahimik kong binabasa itong golden book ay tahimik lang rin si rien sa harap ko. San kaya nag sususuot ang isang ito? Minsan ko lang kasi siyang makita dito sa academy eh, tsaka minsan lang din siya pumasok sa mga klase namin

"Ah gwyn una na pala ako ah. May gagawin pa kasi ako eh" sabi niya kaya napa tingin ako sa kaniya. Ang bilis naman ata niyang umalis?

"Ah ehh sige. Ingat ka kung saan ka man pupunta, hehehe" sabi ko

"Hahaha ikaw talaga. Sige una na ako bye" siya at tumayo na

"Bye" ako at kumaway sa kaniya

Ilang sandali pa ay tinamad na akong bumasa pero hindi pa ako nangangalahati sa binabasa ko kaya napag desisyonan ko na lang na hiramin muna tong golden book.

Tumayo na ako at pumunta doon sa librarian para ipagpaalam na hihiram ako ng libro

"Ah miss hihiramin ko muna ito hah" nakangiting sabi ko at pinakita ang libro

"Huh? San mo nakuha yang libro na yan iha? Eh wala naman kaming libro na ganyan dito" eh? Nag bibiro ba siya? Eh kung wala silang librong ganito eh bakit nandito to?!

"Po? Eh nakita ko po ito doon sa may pinakadulo" sabi ko

"Ang mas mabuti pa ay saiyo na lang iyan, dahil alam kong may dahilan kong bakit ikaw lang ang nakakita ng librong yan sa dinamidaming estudyante dito" oo nga noh! Bakit nga ba ako lang ang nakakita nito?

"Ahh ehh sige po" sabi ko tsaka umalis na

~~•end of flashback•~~

So ayon nga ang nangyari people, sinabi ng librarian na sakin na lang raw ang golden book kaya ito dinala ko nga.

Nag simula na akong magbasa, uhhmm mga walang sense naman itong nababasa ko. Pambihira! Ilagay ba naman dito yong mga pangalan ng mga namatay na dark user. Tsk... Paki ko ba sa pangalan nila

Habang nililipat ko yung mga page, may isang page na nakaagaw ng atensyon ko.....

"Princess Crystal was born on August 28, 20**." WHATTT!! Mag kapareha kami ng birthday?

Pano nangyari yon?

At tsaka bakit pakiramdam ko eh ako yong dine-describe dito sa librong ito. Katulad na lang na magka pareha kami ng kulay ng buhok at mata, and especially magka pareha din kami ng birthday. Ang weird!! Superrrrr!!

Hayyyyssss!!

Hayaan na nga lang!!

Tsk..

"On the day of her birthday, her hair will change into light violet with a gold and silver highlight. Her eyes will also change from violet to gold"

COOL!!

Ang astig pala ng transformation ng legendary princess. Sana ako din! Hahaha ang feelingera ko talaga.

ARMENIA KINGDOM: THE LONG LOST LEGENDARY PRINCESSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon