I

591 14 5
                                    


CHARLOTTE CAMILLE HEMSEY

"Tara na Chammy."

Napahinga na lang ako ng malalim bago sumunod sa kanya. Nagpaalam na muna kami saglit kay Tita Anna bago namin tuluyang nilisan ang sementeryo na 'to kung saan hinatid namin sa huling hantungan ang isang kaibigan.

At hanggang ngayon, hindi parin ako makapaniwala na wala na siya. Hindi parin napasok sa isip ko na nabawasan na kami ng isa sa grupo. Sadyang nakakalungkot.

"Saan na tayo?"

Nabalik lang ako sa ulirat ko dahil sa tanong na iyon ni Sam. Oo nga naman, saan na sunod naming punta? 

"Gusto ko na umuwi."  Yvonne said.

"Uwi agad? Hindi ba pwedeng mag unwind na muna tayo?"

I immediately nodded. "Oo nga naman Yvonne, gala muna tayo." pag sang-ayon ko.

"Tinatamad ako." she simply said and inhaled deeply. "Hindi ko magawang mag-unwind ngayong kulang tayo ng isa."

Lahat natahimik... Lahat hindi naka-imik. Nagmistulang putol ang dila namin dahil sa biglang pagtahimik namin.

Oo nga naman. Paano nga naman naming magagawa ang magsaya kung nabawasan kami ng isa?

"Tingin niyo, bakit nagpakamatay si Hanny?" Lilian asked, all of sudden.

My brows furrowed. "I don't know." sa aming magkakaibigan, si Hanny ang napaka masikreto. Ni wala akong idea kung bakit niya naisipang kitilin ang buhay niya.

"Pero panigurado, may dahilan yun." Samantha said.

"Ang tanong, ano?" segunda naman sa kanya ni Yvonne.

At sa pangalawang pagkakataon, natahimik na naman kaming apat. Nakakunot ang noo na tila ba nasa malalim kaming pag-iisip.

Sa aming magkakaibigan, si Hanny at Lilian ang pinaka malapit sa isa't isa. Sa kaisipang 'yun, agad na natuon ang atensiyon ko sa kaibigan ko. "Lil, wala ba siyang nabanggit sayo?"

Her eyebrows met. "Like what?"

I cleared my throat. "Na problema niya." I paused. "Sa ating lima, kayong dalawa ang pinaka malapit sa isa't isa. Nagbabakasakali lang naman ako na baka may nasabi siya sayo." dagdag ko pa.

Bahagyan namang umangat ang labi niya para lang isara ulit. "Wala, wala siyang nabanggit sa'kin na kahit ano." she seriously said.

I nodded slowly. Oh, edi wala.

"So, ano ng plano natin?" Sam asked.

Napakunot noo ako. Plano? "Teka, anong plano pinagsasasabi mo?" nabigla naman ako dun. Hindi ako aware na may plano palang magaganap. Jusmiyo.

"Ano paba? Edi oplan hanap ebidensiya, duh!" maarteng sagot niya sa'kin.

Tanging irap lang naman ang ginawa kong tugon ko sa kanya. Mahirap n makipag talo ngayon. Wala ako sa mood. Baka kung ano pa ang magawa ko sa babaitang ito kapag nagkataon.

"Okay, I lied."

Halos lahat kami, sabay na napatingin kay Lilian dahil sa sinabi niya. Grabe din ang kabang nararamdaman ko ngayon na hindi ko naman alam kung para saan ba.

Ewan, kinabahan ako ee.

"May alam ka." Yvonne seriously said. "I knew it."  she added.

"Teka, may alam ka?"  parang tangang tanong naman nitong isa. Nako talaga. Mukhang may maililibing ako ng buhay dito.

"Taylor Kennedy." Lilian said, nervousness.

LIACHISBWhere stories live. Discover now