Chapter 15

39.9K 999 119
                                    

Chapter 15

Early Dinner

"Okay na naman kayo?" Naglalakad si Kenzie palapit sa kotse ko nang itanong iyon. Her books were secured on her arms. Taas ang kilay at hindi makapaniwala. "I saw him, Ate. Ka aalis ng kotse niya!" Tinuro niya pa ang ka aalis na sasakyan.

I rolled my eyes but a smile failed to hide from my sister. Pumasok na ako sa kotse para makauwi na kaming dalawa. Wala kaming training araw araw, pero may schedule pa rin kami ng mga training. Hindi nga lang regular.

Pumunta si Zoren dito kanina. Hindi ko kasi nasasagot ang messages niya dahil dead batt na ako. I was stunned a bit when I saw him parked here in the parking lot, leaning on his car like a fucking hot model.

"Mind your business, Kenzie. I know what I'm doing."

I heard her scoffed. "You always say that. Minsan natatangahan na ako sa'yo, 'te!"

Tumawa ako. "Do you like Zoren for me?"

"Does it matter?" mataray niyang sabi at nang lingunin ko ay nakataas ang kilay sa akin. "You only follow your heart, Ate, huwag ako!"

Mas natawa ako roon. "I think Zoren is good. Hindi ko pa kilala ng husto dahil nagsisimula pa lang naman kami... But who knows?"

Hindi niya na ako kinausap dahil sa inis. Ewan ko rin diyan sa kapatid ko. Sometimes she likes Zoren for me, and sometimes she doesn't.

Pag-uwi sa bahay ay wala pang tao. Anong bago? My parents are always at work but sometimes bond with us. Naiintindihan naman namin dahil mataas ang profession nila. They're helping other people. Plus, they're giving us a good quality of living that some happy families couldn't give to their children. We're a happy family, too— just below the standard.

Nag FaceTime kami ni Zoren habang gumagawa ng homeworks. He's not really talkative, but he talks. Minsan nagtatanong din siya sa akin. Madalas naman kwento ako nang kwento habang may binabasa siya. I don't know if he's attentive or not. I couldn't say.

Nagtagal ako sa circle nila Covy. Naabutan ko si Seth na sumasayaw kasama ang mga kaklase niya. Tawa kami nang tawa kanina kasama ang mga grade eleven students. Gaga talaga itong babae na 'to.

Ka-batch ko ang dalawang pinsan ni Zoren. Si Eccaias at si Lorcan. Kakilala ko lang sila pero hindi ko close. They're so selective, to be honest. Their treatments to people varies. Siguro dahil laking mga mayayaman. Kailangan din nilang ingatan ang privacy at i-maintain ang social circle nila.

"Let's eat dinner together."

Nakasandal ako sa locker room habang nasa tainga ang cellphone. Zoren called and that was he said. Malamig ang boses at naririnig ko ang ilang boses ng mga kaibigan niya.

"Hmmm. What time?" Kagat ko ang labi ko. I want to scream! Kaso bawal dahil may science lab sa tabi ko, may nag-aaral.

"Early dinner? Six thirty? I'll pick you up at your house."

Bumuntong hininga ako dahil pakiramdam ko hinihila ng baga ko lahat ng hangin na nalalanghap ko. I rubbed my right leg to the other.

"Okay! Formal or just casual?" Dahil ayaw ko naman maging epic fail ang unang dinner night namin. I want to know the details so I can prepare myself.

"Wear whatever you want." Mababaw ang boses niya at parang gusto ko na lang magdamag siyang kausap sa phone. Nakaka relax kasi.

"What are you gonna wear?" Hindi maalis ang tuwa sa boses ko. I heard him smirk and chuckled a little.

"Hmm... Just wear a dress, then."

"What color?" Ngiting ngiti ako. Tinignan ko ang gilid at fire exit iyon. Pumapasok ang ilaw hanggang sa paa ko. Walang tao rito sa locker room maliban sa akin. I just excused myself in the middle of our discussion. Can't resist him.

Mid-Air Ball   (The Athletes #1) PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon