Chapter 13

296 30 49
                                    

It's our last day dito sa Tagaytay kaya dapat sulitin na namin ito. So balak namin mag swimming kaya I'm wearing right now a swim wear attire and the color is black it fits to my body as well lalo na, na medyo may kaputian din ako dahil nagmana ako sa mom ko.

We ate breakfast earlier nandito na kami ngayon sa labas ng resort para mag picture sayang naman 'yung pinunta namin kung walang memories na makikita namin sa picture. Masaya kasing balik-balikan ito pag nakikita mo.

Iniabot ko kay Callix ang phone ko "Picturan mo 'ko dapat maayos ha" saad ko sa kanya. Umupo ako malapit sa swimming pool para mag inarte at kung ano anong pose na ginawa. Nilagay ko ang right hand ko sa may bandang mukha tapos nag aktong parang model.

May mga ilang tumitingin sa akin pero hindi ako nagpadala sa mga mata na nakatitig. Hindi naman ako nahihiya slight lang. Nag pose lang ako ng iba't ibang angle at pinakita sa'kin ni Callix ang mga nakuha niya at maganda naman 'yon.

Kumain lang kami ng breakfast and afternoon ay bumalik ulit kami sa may pool area. Naka bihis si Callix ng beach polo na nakabukas ang mga butones kaya kitang kita ang kanyang matitipuno na dibdib.

Umupo muna si Callix sa mga upuan malapit doon. Ako naman ay nakatayo dito medyo malayo ako sa kanya dahil gusto ko pang mag picture kaya nag selfie ako mag isa. Siya naman ay hawak-hawak niya ang kaniyang phone at mukhang nag vi-video ng view. Nagulat ako ng tinapat niya sa'kin ang camera ng phone kaya napangiti na lamang ako doon.

Lumapit ako sa kanya at tinabihan ko siya dahil mamaya pa ako maliligo kaya naman nakaupo kami dito parehas. Nag post lang ako ng mga picture namin sa Instagram nilagyan ko lang 'yon ng caption na heart. Napatawa ako sa mga comments ng mga kaibigan ko.

@yannaskye: Ang cute nyo!

@dwyanebllza: Are you both together? didn't know but congrats!

I chuckled when Hannah replied to Dwyane. Hindi makapaniwala.

@hannahhh: Hindi ba obvious ha? by the way ang cute nyo love you both.

@reiinaa: Shene Ol

Isa pa rin 'to si Rei napaka pala asar ng mga kaibigan ko. Nag view ako ng Ig story nang makita ko 'yung kay Callix tama nga ako nag video siya ng view at hinarap sa'kin ang camera kaya nahagip ang aking mukha. Yung puso ko parang lalabas na ng makita ko yung caption, 'My forever' ang nakalagay nag reply lang ako doon ng 'Sana ol po'.

"Sana ol daw, katabi ko lang, e" biro niya.

I just laughed at him. Kahit palagi ko siyang nakakasama nami-miss ko parin siya. Hindi ko makita ang sarili ko na malayo sa kanya at lalong lalo na... na makita ko ang sarili namin na may problema dahil lang sa tao o kung ano man.

Hindi ko kaya.

Napa-irap na lang ako ng may lumapit sa amin na babae. "Miss pwede pa picture?" binigay niya sa'kin yung phone niya. Nagulat ako dahil anong akala nya? Inutsan ba naman ako?!

"Hindi pwede bakit?!" barumbado kong sagot. Tinaasan ko siya ng kilay at inirapan ulit. Nag iinit ang dugo ko, ah.

"Pagbigyan mo na ito naman" kumbinsi sa akin ni Callix. Mukhang paiyak na 'yong babae dahil halata na sa mukha niya.

"What again? Ayaw ko." mataray kong sabi.

"Please para makaalis na rin siya" pangungulit ulit ni Callix sa'kin. Hindi ba siya na hiya dahil nandito yung girlfriend niya? fine.

"Alright!"

"Okay? 1... 2... 3" umayos lang ako ng pwesto tapos pinicturan ko lang silang dalawa habang ako ay pana'y ang irap. Binigay ko na doon sa babae ang kanyang cellphone.

Pathway to Success (Chasing Series #1)Where stories live. Discover now