53

14.7K 320 19
                                    

Her POV

Kakaalis lang ni Theo ngayon at eto ako ngayon, hindi na ako mapakali. Ang lamig na ng mga kamay ko. I'm scared of what will happen next. Ilang oras na rin kasi ang lumipas pagkatapos ng pag-uusap namin ni papa sa telepono. Maybe, he already now where I am. Theo, left the phone here at nakatago 'yon sa drawer  for papa to track me.

"Are you okay, baby?" siguro ay nahalata na niya na kanina pa ako hindi mapakali dito sa kinauupuan ko. Nandito kami ngayon sa sala.

"Y-yeah." and I sit properly.

"Are you sure?" at nilapitan ako neto. Kaya napaatras naman ako. Napayuko agad ako. Baka kasi mahalata na nya na may mali sa 'kin.

"Hey." and he chuckled. "Why are you so strange right now? Tell me, what is going on." malumanay na tanong nito sa akin.

"Nothing, just focus on the movie you're watching," I said. Yeah, just concentrate there and I will be save later.

"Hmm, but my baby is more important than the movie I am watching." Damn it. Nakuha niya pang bumanat. Lumapit siya sakin at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. He interwind our hands, at ito na naman ang puso ko. Going crazy again.

"J-jethro."

"I love you so much, Vera." he said. And I saw that he closed his eyes. Wag kang magpapadala diyan Vera.

"You know what?" and he smiled while his eyes are closed. "I am so lucky to have you because you teach me, how to live again. Hindi yung puro sakit na lang ng buhay ang nararamdaman ko. Tinuruan mo ulit akong sumaya at ngumiti. Naramdaman ko ulit na buhay pa pala ako."

"What a-are you trying to say..."

"I'm trying to say that, I love you so much. You're the first woman that I love more than myself, even if you're hurting me. I can endure that pain Vera as long as you're the reason." at imulat niya ang kanyang mata at sabay na tumulo ang mga luha niya. "Vera, you're free to hurt me. Hindi ako aangal. Kahit paulit-ulit pa ay tatanggapin ko. Kasi ganon kita ka mahal." and he cupped my face.

Jethro, stop doing this. I'm hurting. Big time.

"Tatanggapin ko ang sakit, lalo na yung sinabi mong pinagsisihan mong ako ang minahal mo. That hurts me, Vera." and he wipe his tears. "But I won't complain, that's how much I love you. I'm so sorry that i didn't fulfill my promises. I was so scared and a coward. Sana naiintindihan mo ako, Vera na natakot lang talaga ako na mawala ka sakin. Ayoko ng maiwan Vera kaya I'm so sorry baby but please give me another chance. Promise this time ay aayusin ko na talaga." at bakit ngayon niya pa 'to sinasabi sa akin.

"Things already happened Jethro! You already ruined everything! At hindi na ako babalik sayo we are already done!" I said.

"No, please. Give me another chance. I promise I will change, please baby." at hinawakan nya ang mga kamay ko.

No..no..no.. Hindi na ako madadala sa ganito.

"Jethro, please. Enough."

"No, please. Please, baby. Give me another chance to love you. Please." he beg. He is doing everything to make it up for me these days pero hindi 'yon sapat para sa akin. I want my freedom.

"Ayoko na, Jethro." deretsong saad ko. There's a part of me saying na gusto ko pa rin pero kung ikukulong niya lang rin naman ako dito ay ayoko na lang.

"Please, just me a chance and I will do everything for you."

"Jethro, tama na 'to please."

Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap. "I'm so sorry for everything, baby. Na realize ko na kung gaano ako ka g*go. At hindi tama 'tong ginawa ko sayo, Vera. Please forgive me." bulong niya sa akin.

"J-jethro."

"I will give your freedom now, Vera. Palalayain na kita, baby." at binitawan niya na ako at ngumiti ito ng malapad sa akin.

Am I hearing it right? Papalayain niya na ba talaga ako?

"Talaga b-ba?"

"Yes, baby. Papalayain na kita."

"Really?! Oh, God! Thank you, Jethro!" masayang saad ko sa kanya.

Ngumiti naman siya. "In one condition." napawi naman ang ngiti ko sa sinabi niya. Bakit may condition pa? Para saan.

"Anong condition 'yan, Jethro." tanong ko.

"Give me a chance again, Vera. Promise that you'll still stay with me na ako pa rin ang mamahalin mo pagkatapos kitang palayain na hindi mo ako iiwan, please." sabi niya habang hawak ang mga kamay ko.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi niya. Hindi ko 'yan mapapangako kasi hindi ko alam ang gagawin ko pagkatapos nito. May kunting galit pa rin ako sa kanya dahil sa pagkulong sa akin dito. Hindi ko alam kung magbabago ba talaga siya pagkatapos nito. Kasi ang hirap ng magtiwala eh lalo na't sinira niya na yung tiwala ko para sa kanya.

"I can't promise that, Jethro." sagot ko. Nasaktan naman siya sa sinabi ko.

"But baby, diba this is what you want? To be free again. Just promise me, baby na walang magbabago na hindi mo ako iiwan, please." at humigpit na ang hawak niya sa mga kamay ko.

"Please Jethro just let me go already. Please."

Lumingon naman siya, "No, Vera. Please promise me that you'll still stay."

"I don't know Jethro. Hindi ko na alam masyadong magulo na 'yong isip ko ngayon. Gulong-gulo na! Pati yung nararamdaman ko sayo nagugulo na rin. Hindi ko alam kung ano ang iintindihin ko." sabi ko sa kanya.

"It's okay, baby. J-just promise that you won't leave me, please."

"Jethro, bitawan muna ang kamay ko. Nasasaktan na ako." sabi ko dito kasi habang tumatagal humihigpit ang paghawak niya sa mga kamay ko.

"No, I won't let go."

"Jethro, stop!" at buong lakas kung kinuha ang kamay ko at tumayo.

"Baby, please."

"Just let me go already Jethro!" sigaw ko.

"I will, baby. Just promise me, Vera. Mangako ka lang Vera. Palalayain kita just please, I need your assurance from you, Vera." natahimik naman ako. Ayokong mangako. Kasi baka hindi ko yan matupad.

"Jethro, please ayokong mangako sayo. Hindi ko na alam, Jethro."

"Baby, please just—" hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng may biglang kumatok sa pintuan.

Bigla naman akong nanlamig sa kaba.

"Jethro, someone is knocking. B-buksan muna ang pintuan." sabi ko sa kanya.

Tuloy-tuloy lang ang pagkatok sa pintuan at mas nagiging mas malakas ang kabog ng puso ko.

I'm hoping na sina papa na nga 'yan. Sana nga sila na.

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon