III

136 12 0
                                    


CHARLOTTE CAMILLE HEMSEY


"No, I'm not." bulong niya pero sapat lang para marinig ko.

Napangisi na lang ako. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng ginhawa. Mukhang hindi naman pala ako mahihirapan dito sa pinapagawa sa'kin ng mga bruha kong kaibigan.

"Oh? Talaga ba?" nakangising sagot ko.

"Get out of my sight."

She was about to leave me when I immediately grabbed her arms. "Kilala mo ang kaibigan ko." mariin kong sagot sa kanya. "Sabihin mo nga sa'kin, anong kinalaman mo sa pagkamatay niya?" walang kagatol-gatol na tanong ko.

Panigurado, masasabon ako ni Lilian dahil sa pinaggagawa ko ngayon. Ang usapan kasi, kaibiganin siya at hindi awain. Tss.

"Siguro tama nga hinala namin." mas diniin ko ang paghahawak ko sa braso niya. "Pinatay mo siya."

I was caught off guard when she grabbed my colar. Literal na napalunok ako dahil sa gulat. Para lang akong gamit na basta basta niya nahila. "Don't fucking blame me. Wala akong kinalaman sa pagkamatay niya." she gritted her teeth. "It's her choice to killed herself."

I gulped hard. "At alam ko, isa ka sa rason kung bakit nagpakamatay ang kaibigan ko." matapang na sagot ko.

Labis naman ang pagtataka ko ng mabilis niya kong binitawan at walang habas na akong tinalikuran.

Ang bastos niyang nilalang. Hindi ba niya alam na nag-uusap kami? Para siyang walang pinag-aralan.

"Hoy. Kinaka-.."

"Wala akong pakialam." she cut me off. "Kung nagpakamatay man siya dahil sa'kin, labas na ko dun."

Literal na napanganga ako. Anong klaseng pag-iisip mayroon siya para sabihan ako ng ganun?

Wala akong nagawa kundi ang mabilis na lumabas ng silid na yun at dere-deretsong tinungo ang restroom. Doon na mabilis na tumulo ang luha ko.

Bakit? Paano? Bakit at paano niya nagawang sabihin na wala siyang pakialam kay Hanny?

Anong klaseng nilalang siya?

Naiyukom ko ang kamay ko. Hindi ko matatanggap 'to. Tama si Lilian. May kinalaman nga siya sa pagkawala ng kaibigan namin. At gagawin ko ang lahat, makakuha lang ng sapat na ebidensiya laban sa kanya.

Para kay Hanny...


___________


"May nalaman kana ba?"

Napahinga ako ng malalim. "Wala pa." I lied.

Pero sinisiguro ko, mula sa araw na 'to, makakakuha na ko ng impormasyon.

"Nasa Gym si Taylor." Sam said. "Training." she added.

Napatango naman ako at saka mabilis na tumayo at agad na isinukbit ang bag ko. "Teka, saan ka pupunta? Nagmamadali ka ata." takang tanong niya sa'kin.

Ngumiti lang ako at agad na kinuha ang cellphone ko para ihanda ang record. "Gagawin yung trabaho ko." I simply said. "Mauuna na ko."

Hindi ko na hinayaang pang makasagot sila sa'kin at agad kong nilisan ang lugar na yun. Halos bawat hakbang ko, kaakibat nun ang kabang nararamdaman ko.

Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa'kin sa susunod na mga araw pero wala na akong pakialam. Mas mahalaga para sa'kin ang hustisya na makukuha ko dahil para naman iyon sa kaibigan ko.

LIACHISBWhere stories live. Discover now