LAKBAY DIWA ZONE
7 stories
MKNA2 - Imahinasyon by ajeomma
MKNA2 - Imahinasyon
ajeomma
  • Reads 188,331
  • Votes 226
  • Parts 1
Ang kwento natin ngayon ay tungkol sa isang dalagang ginagawang bida ang sarili habang nangangarap nang gising. Sa mundo ng pantasya, nangyayari ang lahat ng kanyang nais. Natutupad ang kanyang mga pangarap maging napaka imposible man. Hanggang dumating ang isang pangyayaring nagpalito sa kanyang isipan. Naglalakbay siya sa kanyang pangarap. At sa tuwing magigising, ramdam niya ang pagod at matinding kaba. Ang nakapagtataka... pare-pareho ang panaginip niya; isang mahabang daan na tila walang katapusan ang kanyang tinatahak. Natatakot siya, subalit may bumubulong sa kanya at nagsasabing magpatuloy. Binubuyo siyang alamin ang hangganan, upang malaman kung ano ang doo'y matatagpuan. Totoo ba ang nakita niya o bunga lamang ng imahinasyong maaaring mauwi sa bangungot? Halina at sama-sama nating tuklasin ang lihim ng kanyang pagkatao... Fantasy/Romance/Comedy
MKNA3 - Witch ang girlfriend ko! by ajeomma
MKNA3 - Witch ang girlfriend ko!
ajeomma
  • Reads 32,467
  • Votes 1,615
  • Parts 12
May kwento tungkol sa diwata na umibig sa mortal, engkanto na nagmahal sa ordinaryong nilalang, at anghel na piniling maging tao makapiling lamang ang taong minamahal. Sadyang mahiwaga at tunay na makapangyarihan nga ang pag-ibig. Ika nga ng makatang mangingibig... "Pag-ibig na makapangyarihan kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod lamang." Walang makakapigil; walang makakahadlang harangan man ng sibat! Parang kanta ni Ka Freddie, Bulag, Pipi at Bingi. Masarap ang umiibig at magmahal pero, mas masarap kung iniibig at minamahal ka rin ng ka rin ng pinag-uukulan mo nu'n. Tama? Heto ang MALAKING tanong. Paano kung mangkukulam ang ma- in-love sa 'yo? Keri mo? Witch ang Girlfriend ko! A fantasy/romance/comedy novel written by ajeomma Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Ang Higanteng Ibon at Si Gamay by ajeomma
Ang Higanteng Ibon at Si Gamay
ajeomma
  • Reads 8,368
  • Votes 369
  • Parts 4
Isang maikling kwento ng pagkakaibigang nabuo sa pagitan ng isang bata at mahiwagang ibon. A Charity Project of Le Sorelle Publishing LSPuso Project- Book for a Cause Benificiaries: Childrens na may sakit sa Kidney and Liver. PUBLISHED
Kambal na Bagwis #Wattys2016 by ajeomma
Kambal na Bagwis #Wattys2016
ajeomma
  • Reads 359,895
  • Votes 1,824
  • Parts 5
Dalawang sanggol na may pakpak ang magkasunod na isinilang sa kalaliman ng gabi! Ang isa sa sanggol ay may buhok na kulay mais at animo ginto. Mala-sutla ang kutis at ang mukha ay napakaamo. Habang ang isa naman ay kulot ang buhok na nakadikit sa anit at ang kulay ng balat ay kasing dilim ng gabi. Ano ang kapalarang naghihintay sa magkapatid..... sa KAMBAL NA BAGWIS... Cover by: Wacky Mervin (salamat po sa napakagandang cover) Copyright © ajeomma All Rights Reserved
Si Baste at ang Tubig sa Bukal  by ajeomma
Si Baste at ang Tubig sa Bukal
ajeomma
  • Reads 366,986
  • Votes 3,900
  • Parts 10
"Bakit lagi nila ako niaaway? Hindi ko naman sila niaano, a." Humihikbing sumbong ni Baste sa alagang aso. Tila nakakaunawa, ikiniskis naman ng aso ang ulo sa braso nito. Binata na si Baste kung pagbabasihan ang panlabas na kaanyuan, subalit ang isip nito ay kahalintulad ng isang musmos, inosente't walang muwang. Madalas ay tampulan ng tukso at ginagawang katatawanan ng ibang tao. Ang lahat ng pagdaramdam ay idinadaan na lamang nito sa tahimik at impit na pag-iyak. Datapuwa't may kakulangan, si Baste ay may kakayahang makakita ng 'di pangkaraniwang nakikita ng ordinaryong mga mata. Subalit, paano siya paniniwalaan ng mga taong ang tingin sa kanya ay sintu-sinto at kulang-kulang? Ano ang magiging kaugnayan niya sa bukal? Anong hiwaga ang matutuklasan niya sa tubig? Ano ang magiging kapalit ng kanyang pagtitiis at pagpapakumbaba? Sama-sama nating tunghayan ang kanyang kasaysayan........ Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 3- Ang SUGO by ajeomma
SBAATSB 3- Ang SUGO
ajeomma
  • Reads 157,860
  • Votes 1,539
  • Parts 5
Nagbalik ang alaala ni Sebastian. Alam na niyang siya si Baste, ang tinutukoy sa Alamat na nakatagpo ng mahiwagang tubig sa bukal. At si Anghel, ang naging bunga ng pag-iibigan nila ng matalik na kaibigang si Rosalia. Ang anak ng Alamat na naging katuwang ng ama sa pagliligtas ng Baryo Masapa sa tiyak na kapahamakan. Muli siyang magbabalik taglay ang misyong palaganapin ang kapayapaan sa lahat ng dako. Sa patnubay ng mga makapangyarihang nilalang na naninirahan sa loob ng kakahuyan. Sa tulong ng mga hayop na nagagawa niyang kausapin sa pamamagitan ng isip lamang. Samahan natin siya sa pagganap ng dakilang tungkuling iniatang sa kanya. Si Anghel, ang anak ni Sebastian. Siya... Ang Sugo Paunawa: Ang kwentong ito ay karugtong ng Si Baste at ang Tubig sa Bukal at Anghel ng Baryo Masapa. Upang maiwasan ang pagkalito, mangyaring tunghayan muna ang mga naunang kwentong nabanggit. Salamat po.. --**--ajeomma--**-- Copyright © ajeomma All Rights Reserved
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa by ajeomma
SBAATSB 2- Anghel ng Baryo Masapa
ajeomma
  • Reads 313,861
  • Votes 1,550
  • Parts 4
Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved