Happily Ever Afters
20 stories
Mga Babaeng Pinagkaitan ng Langit sa Lupa by peachxvision
Mga Babaeng Pinagkaitan ng Langit sa Lupa
peachxvision
  • Reads 584
  • Votes 58
  • Parts 5
Maiipit si Safi sa isang malaimpiyernong sitwasyon na plinano ng asawa niyang si Dante. Kapit sa patalim siyang papayag, kahit pa labag ito sa kanyang kalooban. Dito niya makikilala si Melina, isang babaeng malayang papayag sa pakanang ito. Ngunit lingid sa kaalaman ni Safi, sa likod ng natatanging alindog ni Melina ay isang lihim na susubok sa kanyang mga paniniwala, hindi lang sa kung ano ang tama at mali kundi pati sa kung sino talaga ang tao at aswang. CW: abuse, explicit sexual scenes, gore
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published) by peachxvision
Ang Pagsamo ng mga Tala at ang Paghihimagsik ni Aelle Malaya (Published)
peachxvision
  • Reads 10,591
  • Votes 753
  • Parts 30
Ang sabi ng mga tala, incompatible daw ang mga Scorpios at Aquarians. Pero kung mahal mo na, may magagawa ka pa ba? Si Aelle Malaya -- independent, matalino, spontaneous, at weird AF. Ang mga katangian niyang 'to ang napagpasiyahan niyang mangibabaw nang bigla na lang nawala ang una niyang minahal nang walang pasabi -- si Harvey Luna. Hindi siya naniniwala sa astrology, pero pinaniwalaan na lang niya na hindi magkakasundo ang isang Aquarius at isang Scorpio para makawala sa preso ng nakaraan. Pero matapos ang apat na taon . . . bigla na lang ulit papasok si Harvey sa buhay niya. Ang malala? Kailangan pa nilang makisalamuha sa isa't isa para sa main event ng college organization nila kung sa'n siya miyembro. May second chance bang magaganap sa pagitan nilang dalawa . . . o masusunod ba muli ang mga itinakda ng mga tala? CW: nudity, strong language Original version written in English is published as "The Advice from the Stars" from the Zodiac series by Pop Fiction © 2024.
Laro Tayo by peachxvision
Laro Tayo
peachxvision
  • Reads 31,380
  • Votes 2,985
  • Parts 31
Sa laro-larong relasyon, paano mo malalaman na unti-unti ka na palang natatalo? Dalawa ang dahilan kung bakit nag-enrol si Chel Laurel, isang incoming senior high school student, sa open-to-all special program na pakana ng school nila: una, para may advantage na rin siya kapag nag-umpisa na talaga ang klase at, pangalawa, para makasama pa at tuluyan nang umamin sa longtime crush niyang si Harper. Pero minalas kaagad siya dahil imbes na si Harper ang makatabi sa seating arrangement, nakatabi niya ang limot na niyang Grade 3 boyfriend at kalaro, si Ardi Lavarias. Mas malala? Epic fail ang pag-amin niya nang nalaman niyang girlfriend na ng crush niya si Val, isa sa mga nakaaway ni Chel sa junior high. Para malusutan ang kahihiyan sa harap ng ultimate crush niya, dineklara niyang boyfriend niya ang walang kamalay-malay na si Ardi dahil, technically, hindi naman sila nag-break. Medyo good news, pumayag si Ardi sa laro-laro nilang relasyon para sa ikatatahimik ni Chel. Medyo bad news, sa lahat ng laro, may mantataya at may matataya . . . may mananalo at may matatalo.
Buzzer Beater by peachxvision
Buzzer Beater
peachxvision
  • Reads 33,100
  • Votes 2,345
  • Parts 10
Man hater, mambabasag ng itlog, at hustler -- ito ang reputasyon ni Hope San Miguel. Wala naman siyang pakialam, sa totoo lang. Ang mga mata niya ay naka-set sa iisang goal: ang may mailapag sa kanilang hapagkainan. Kaya naman nang malaman niyang minamata at hinahangad siya ng dati niyang kaklase at ngayo'y sikat na basketball player na si Champ Fernandez, nagduda siya. Palagay ni Hope, isa lang siya sa mga playtime ni Champ na gusto lang makaiskor. Pero sa kanyang pag-iwas, umaandar ang oras, at unti-unting naiisip ni Champ na baka wala nga talagang siyang pag-asa rito. Hahayaan na lang ba ni Hope na sumablay si Champ sa kanya, o magagawa ba niyang bigyan ng pagkakataon ang pag-ibig . . . bago mahuli ang lahat?
CR Break by peachxvision
CR Break
peachxvision
  • Reads 7,304
  • Votes 550
  • Parts 1
Ang matinding takot sa CR ni Cara ang dahilan kung bakit nagkalapit sila ni Ryoko, isang "untouchable" sa kanilang all-girls batch sa school. Pero habang tumatagal, napapansin ni Cara na nag-iiba na rin ang pagtingin niya sa babaeng mahilig mambasted ng parehong babae't lalaki. Pero sabi nga, tulad ng pag-ihi, hindi dapat tinitiis ang kilig.
Mahal ng Araw by peachxvision
Mahal ng Araw
peachxvision
  • Reads 23,457
  • Votes 1,351
  • Parts 3
Ang pagtingin ni Sun sa pag-ibig ay tulad din ng araw -- lulubog at lilitaw. Ngunit may ilang babae sa kanyang buhay ang nakapagpabago ng kanyang paniniwala. Na di lahat ng kanyang iibigin ay tugma sa pagkakataon. Na di lahat ng kanyang iibigin ay handang manatili. At ang pag-ibig na wasto at mamamalagi ay isang araw-araw na dalangin.
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series) by peachxvision
Pares (Book 1 of the Paboritong Ulam na May Sarsa o Sabaw Series)
peachxvision
  • Reads 55,197
  • Votes 4,027
  • Parts 9
Ano nga ba ang tamang timpla ng pag-ibig? Dahil sa punyemas na Twitter algorithm, malalaman ni Taurus Macaraeg ang hindi lang isa kundi dalawang sikreto ng di makabasag pinggan niyang office mate na si Novi Dimaculangan. Umabot naman ang dalawa sa isang kasunduan na ililibre ni Novi si Taurus ng paborito niyang pares kada Huwebes kapalit ng pagtago ni Taurus ng sikreto. Pero tulad ng pagluluto at paghahain ng pares, may mga sangkap na ihahanda ang universe na mas magpapasarap at magpapakulay sa ugnayan nilang dalawa.
Crosswalk by peachxvision
Crosswalk
peachxvision
  • Reads 53,704
  • Votes 3,851
  • Parts 10
'Wag tumawid. Nakamamatay. Masunurin sa batas si Glamor Izabelle Ramos, a.k.a. Glai, lalo na sa mga batas sa daan. Late na siya't lahat, hihintayin niya pa rin niyang maging berde ang pedestrian signals bago tumawid. Blessing naman ito dahil dito magkukrus ang landas niya at ng kanyang "ideal guy." Nga lang, ang "ideal guy" pala niya ay ang supervisor ng department nila sa opisina, si Aion. Masaya na sana ang lahat . . . kaso taken pala si Aion base sa mga nakatenggang social profiles niya. Maguguluhan pa si Glai dahil iba ang ikinikilos ni Aion tuwing sila ang may moment. May mga pagkakataon nga ba kung kailan puwede isantabi ang mga patakaran . . . o maninindigan si Glai na hintayin ang green light ng pag-ibig?
Tibok (Published) by peachxvision
Tibok (Published)
peachxvision
  • Reads 108,164
  • Votes 4,375
  • Parts 8
Tila tadhana nang makita uli ni Kayi si Kabi sa isang salo-salo matapos niya itong makasalamuha sa siksikang tren. Sa dami ng kanilang pagkakatulad, nakabuo sila ng natatanging koneksiyon . . . na madaling namang nakapagpatibok ng puso ni Kayi. Mahirap man, alam ni Kayi na kailangan niyang ihinto ang kanyang mga nararamdaman. Una, may boyfriend si Kabi na hindi niya masikmura. Pangalawa, di rin naman niya alam kung posible bang magkaroon ng pagtingin si Kabi para sa kanya. Pero kung tadhana na ang paulit-ulit na nagsasabing pagmamahalan ang dapat magwagi, mapipigilan pa ba niya ito? Pula, kahel, dilaw, luntian, bughaw, indigo, lila -- ano nga ba ang kulay ng pag-ibig? A book version published by Pop Fiction © 2020 (with added content!) is now available in bookstores nationwide.
Tales of a Girl by peachxvision
Tales of a Girl
peachxvision
  • Reads 270,735
  • Votes 15,200
  • Parts 78
At night, she pulls her blanket to herself, takes her pen, and remembers every detail in her life. She had a lot to write about her regrets of the past, her doubts of the present, and her worries for her future. She did not want to think, but she still will, mixing all time lines in her head. At dawn, she wakes up, takes her pen, and remembers that she must love herself before she can love anyone. She had a lot to write about the boy who wanted her back after he broke her heart. Even so, she won't, for she has decided that from now on, she will choose herself first. In the morning, she continues to live, takes her pen, and remembers how blessed she is to be loved. She had a lot to write about everything under the sun, including her adventures with the person who loved her dearly. She takes note of all of them, both small and big, until he kisses her and takes her away from the harsh reality. Three different girls with twenty-five tales to tell, all because the universe taught her to love . . . and to write.