Si Riju, gwapo ngunit dakilang lampa. Hired bilang dakilang executive secretary ng may sa bipolar niyang Boss na si Geremy Zapanta. Sa kabila ng pagsusungit nito, hindi niya napigilang makaramdam ng kakaiba. Onti-onti siyang magkakagusto at hanggang sa namalayan niya nalang na mahal niya na ito. May pag-asa kaya siya sa Boss niya? Kahit na alam niyang straight ito at hindi pumapatol sa kapwa lalake? Kakampihan kaya siya ng tadhana upang ibigin din siya nito?