Isa itong kwento tungkol sa isang manlalakbay na dumaan sa mahaba at mapanganib na kalsada upang marating niya ang isang napakagandang lugar na nais niyang mapuntahan. Ang aral sa kwentong ito ay "huwag sumuko sa mga pagsubok na nadadaanan". Patuloy na umusad kahit napakahirap. Kahit marami kang kahinaan, huwag ka pa rin sumuko. Ang aking buhay ay katulad ng kalsada at sasakyan sa kwentong ito. Napakalungkot sa una pero sa dulong bahagi, masaya. Ang mga lobo, bagyo, at ibang panganib ay maitutulad ko sa aking mga kahinaan at mga pagsubok na nararanasan. At ang ermitanyo, at mga taong kanyang nakilala ay maitutulad ko sa aking mga kaibigang tumulong sa akin. Sinasabi din sa Bibliya na magkaroon ng pananampalataya sa Diyos, kaya huwag sumuko kahit napakahirap. Katulad ng sinabi sa Mateo 17:20 at Josue 3:5.