Highest Ranks #27 Action #1 Cross #18 Faith #1 Loser #19 Anime #6 Rival #1 Darkside #73 Action-romance #18 BTS #5 OneTrueLove #2 Defeat #1 Shinobi Si Ayuzawa Misaki ang tagapagmana sa trono ng pamumuno ng samahanang binuo ng kanilang angkan, ang Darkside. Binubuo ito ng mga secret intelligence group mula sa iba't ibang panig ng mundo. Inilihim ang kanyang nakaraan sa pag-aakalang ito ang paraan upang maprotektahan siya, ngunit isa na namang pagkakamali ang mag-uulit sa trahedyang binura sa kanyang alaala. Si Kazehaya Taki ang ikalawang pinuno ng kanilang grupo sa Japan at sila ay lihim na umiibig sa isa't isa. Isang bawal na pagmamahalan na tututulan ng langit at maging ng impyerno. Isang kaparusahan ang maglalamat sa kanilang wagas na pagmamahalan. Sila'y paglalayuin ng tadhana at magpapakilala kay Ayuzawa Misaki ng isang mapanuksong pagsinta. Si Cross, iilan lamang ang nakakaalam sa kanyang totoong pangalan ngunit pinangingilagan at sinasamba ng marami. Siya ang pinuno ng isang tanyag na trainee group ng mga secret agents sa Pilipinas. Taglay niya ang malalamig na tingin na siyang magpapa-alab sa kanilang pagkikita ng tagapagmana. Ang dalawang pag-ibig na umaapaw sa buhay ni Ayuzawa Misaki ang magbubuklod sa mga lihim na bumabalot sa kanyang nakaraan. Sa darating na digmaan ng anino at ng liwanag, sino ang papailanlang sa kalangitan at sisira sa mga tanikala ng mga kasinungalingan? ...... ...... ...... THIS NOVEL IS UNFORTUNATELY STILL ON HOLD. Faith#01 | Temptation of Faith | Exrineance Action | Romance Filipino | English
21 parts