Ang akala ni Bianca ay hindi na niya kaya pang magmahal muli dahil sa pagkabigo niya sa kanyang unang pag-ibig sa katauhan ng bestfriend niyang si Mark. Pero nang magtagpo ang landas nila ng estrangherong si Jake ay nagmahal muli ang puso niya. Sinuyo siya ng maigi ng binata hanggang sa bumigay ang puso niya. Bumigay sa isang relasyong walang katiyakan at commitment dahil iyon lamang ang kayang ibigay nito sa kanya. Dahil sa mahal niya ito ay nakontento na rin siya. Pero muling nagtagpo ang landas nila ni Mark at nagtapat ito ng tunay na damdamin nito sa kanya noon. Sino ang pipiliin niya? Ang pag-ibig na inaasam niya noon na may katiyakan o ang pag-ibig niya ngayon na walang katiyakan?