Tulad ng maraming tao, lahat tayo ay may mga hiling na nais nating matupad. Materyal na mga bagay man na gustong makuha at madami pang iba. Isa na doon si Trinity Sanchez. Hindi isang pangkaraniwang hiling, at hindi isang materyal na bagay. Nais niyang mamatay. Nais niya na mamatay sa paraan na walang makakaalam, sa paraan na walang luhang papatak sa mga mata ng kanyang mga minamahal. Gusto niyang mamatay na tila ba'y hindi ito nabuhay sa mga isipan nila. That's her last wish.