17 parts Ongoing SI Sophia, simula pagkabata hanggang magdalaga ay hindi na nawala ang pagtingin sa kina-kapatid na si Anton. Tila mas lumalim pa ang damdamin niya para binata ng sumapit sila sa hustong edad, naroong sinusundan niya si Anton, kahit saan man ito magpunta. Maging ang lahat ng mga babaeng napapalapit sa binata ay inaaway niya, hanggang sa dumating sa puntong bulyawan na siya ni Anton at ipagtabuyan, inamin din nito sa kanya na wala siyang mapapala dahil wala itong kahit anong pagtingin para sa kanya.
Nasaktan si Sophia, sa mga masasakit na salitang sinabi ni Anton, kung kaya't kusa na siyang lumayo at hindi na nagpakita pa...
Pero paano kung muling mag-krus ang mga landas nila? Si Anton na nasabik sa pagbabalik ni Sophia. Ngunit si Sophia ay hindi na maalala ang binata na lubos niyang minahal noon...
May pag-asa pa bang maibalik ang dating pagmamahal ni Sophia kay Anton? Gayong masaya na ito sa bagong pag-ibig na natagpuan mula kay Art. Na siyang tumulong kay Sophia, noong panahong lugmok at wala itong maalala dahil sa isang aksidente.
Magtatagpo kaya ang kanilang mga puso na minsang hindi nagtugma sa kanilang mga nararamdaman? O tuluyan ng bibitaw dahil maging ang tadhana at panahon ay tutol sa kanilang kapalaran na magmahalan?
Abangan...