Si Jovienne Angela Cruz ay transferee sa Centro International School o CIS. Sa pinanggalingang eskwelahan ay naging masaya siya. Ano naman kaya ang mangyayari sa kanya sa paglipat niya gayong kaklase niya si Johann Damiel Cruz na siyang pinakatoyoing estudyante sa CIS? Lahat nang matripan nitong gawin ay walang pasabi nitong ginagawa. Maski makapanakit pa siya ng kapwa ay kanya lang binabalewala masunod lamang ang kanyang gusto. Swerte nga kayang maituturing ito ni Jovienne gayong isang prestihiyosong school ang kanyang napasukan? O isang malaking kamalasan dahil sa presensya ni Johann?