Naniniwala si Timee na sa bawat sayang kanyang nararamdaman, may kapalit itong lungkot at sakit kinabukasan. Hindi niya batid maisip na sa bawat segundo, minuto, oras at araw ay laging may nakaguhit na ngiti sa kanyang mga labi. Ang taong nagbigay sa kanya ng saya at nagparamdam ng labis labis na pagmamahal ay siya din ang magbibigay at magpaparamdam sa kanya ng mas matinding lungkot at paghihinagpis. Gayundin ang lahat ng kanilang pinagsamahan ay mababaliwala na lang din pala kinalaunan. Happy days will fade away...