#57 HistoricalFiction #5 MaleProtagonist #4 Europe #8 OneTrueLove #2 Ancient #10 Untold #4 HistoricalRomance #4 StarCrossed #39 TimeTravel Sa kanyang kasalukuyan, nabubuhay sa Pilipinas ang isang binata na nakaplano na ang hinaharap batay sa habilin ng kanilang yumaong ama. Nakatakda niyang pakasalan ang isang dalaga mula sa angkang magpapabalik sa kanilang minahan sa dati nitong katanyagan. Ngunit hindi lahat nang ninanais ng sangkatauhan ay tinutupad ng tadhana. Dahil sa isang halik ay madidiskubre ng binata ang pinakatatagong lihim ng oras. Dadalhin siya nito sa sinaunang siyudad ng Pompeii sa bansang Italya. Sa pagkaligaw ng binata sa nakaraan ay magiging alipin siya't makikilala ang isang binibining maharlika na magiging sanhi ng kanyang pakikipaglaban mula sa nakatadhanang katapusan ng Pompeii. Subalit hindi hahayaan ng kasaysayan na baguhin ni Caspian Caelus Regulus ang nakaraan para lamang maligtas si Amidei Marcella Papiria na kanyang iniibig. Nabuksan ng binata ang matagal nang iginuhit na pagsasabwatan ng oras na hindi dapat mabunyag at masiwalat. Nagsimula ang kanilang pangako sa sinaunang siyudad ng Pompeii. Sa pagputok ng Bulkang Vesuvio, doon din magwawakas ang kanilang pag-ibig... Hindi. Hindi roon magtatapos ang kanilang kuwento sapagkat magkadugtong ang pulang pisi na nakatali sa kanilang mga daliri. At ikaw na siyang nakaalam sa sikretong ito ang babaybay sa nakaraan upang mahanap ni Caspian ang daan pabalik sa Pompeii. ...... ...... ...... THIS NOVEL IS EXPECTEDLY SOON TO BE PUBLISH. Conspiracy Theories #03 | Mortis Marcam Caritas | Exrineance Historical Romance Filipino | English | Latin
4 parts