Author Series #1 "Ang pagmamahal na 'yan, para lang 'yan sa mga mahihinang nilalang. Mahina ka ba? Kadiri!" Si Disha Maano, isang sikat na manunulat na tila katas na ng ampalaya ang nananalaytay sa kaniyang berdeng ugat. Ang unang librong isinulat nito ay maipalalabas sa big screen kung saan gaganap ang isa sa pinakasikat na love team sa Pilipinas, sina Dave at Marie. Sa mapait na kwentong pag-ibig ni Disha, kaya nga ba itong mahaluan ng kaunting tamis sa piling ng kinaiinisan niyang artista? Ang isang bitter na reyna ng mga ampalaya, makakaya pa kayang magmahal muli? Kasikatan nga ba o pagmamahal? Ano ang mas matimbang para sa kanila.