"It's moving!" "Ha? Alin?" "Yung larawan ng anghel!" "Alam mo Bebang kung ano ano sinasabi mo." "Bahala ka nga dyan! Basta lalabas na ako. Sabi ko na nga ba may something dito sa lumang bahay ng family mo" I shook my head while watching her disappear through the doorway. Muli kong tinignan ang larawan ng isang magandang anghel sa dingding ng bahay. Ito yata ang pinakamalaking portrait dito sa ancestral house ng family ko. "Hindi naman gumagalaw e"- mahinang bulong ko bago tumalikod at lumabas. Hindi ako naniniwalang may buhay ang isang larawan. Wala naman ganun sa totoong buhay e kaya wala akong dapat ikabahala sa pagtira dito sa lumang bahay ng mga lolo at lola ko. That portrait wasn't moving.. or maybe I'm wrong?