[A FILIPINO SHORT STORY] 'Mula noon hanggang ngayon, ikaw lamang.' Nagsimula ang lahat nang mapansin ni Tam ang probinsyanang si Lass sa isang piyesta. Mula sa simpleng kuryosidad, naramdaman ng binata ang kakaibang saya at pananabik sa tuwing nakikita niya ang dalaga, ngunit wala siyang lakas na kausapin ito. Sa tulong ng isang kaibigan, nakakuha si Tam ng lakas ng loob para sulatan ang dalagang gusto niyang makilala, na siyang nagbunga ng isang espesyal na relasyon na pinatagal ng ilang taon. Ngunit, kailan ang tamang panahon para sa dalawang tao na pilit na pinaghihiwalay ng tadhana at pagkakataon? May hangganan nga ba ang kanilang walang hanggan? Hanggang kailan magtitiis ang pusong nasaktan? Ang kanilang kwento ba ay katulad sa isang liham, na nagtatapos sa salitang paalam? PUBLISHED : 04.10.21 COMPLETED : 02.12.22 [Ukiyoto Short Story Entry for Magkasintahan Volume 28] [PUBLISHED IN WATTPAD ONLY]