Unlock to Love Again by Penmary (Wattys 2021 shortlist) Simple lang naman ang magka-crush. Kapag nakakita ka ng lalaking mabango at guwapo, automatic na iyon. Ganoon ang pananaw noon ni Ryma sa unang crush niya. Akala niya ay nawala na ang damdaming iyon subalit sa paglipat niya ng Maynila, hindi niya inasahang makikita niya muli ang unang lalaking nagparamdam sa kaniya kung paano ang magka-crush. Mababaw lang naman ang ganoong klaseng damdamin subalit anong gagawin niya kung nagsimulang maghukay ang binata ng damdaming mas malalim pa sa crush? Kaya niya pa kayang magmahal muli kung tinali, pinosasan, kinulong at nilagyan niya ng padlock ang kaniyang puso? Matanggal kaya ng binatang iyon ang seguridad na nilagay ni Ryma para sa kaniyang pusong ayaw nang masaktan?