Buhay ko man ay 'di sapat
  • Reads 176,720
  • Votes 997
  • Parts 6
  • Wattys winner
  • Reads 176,720
  • Votes 997
  • Parts 6
  • Wattys winner
Complete, First published Dec 14, 2014
#WATTYS 2015 WINNER/Instant Addiction

Habang nakatanaw sa matatalim na kidlat na nagsasalimbayan sa madilim na ulap, matuling nagbalik sa alaala ni Cristina ang nakaraan. Hindi na niya namalayan ang paglalandas ng luha sa magkabilang pisngi. 

"Inay, bakit nagagawa mo ito sa amin?'' bulong niya sa hangin.

Ilang saglit pa ay unti-unti nang pumatak ang ulan. Nanatili siyang nakatingala at hinayaang palisin ng mumunting mga patak ang luhang humihilam sa kanyang mga mata. 

Napangiti siya.  Sinasabayan ng langit ang kanyang pagtangis. Tila nais hugasan ang nagdurugo niyang damdamin.

Maliliit pa ang dalawa niyang kapatid nang iwanan sila ng sariling ina. Tinalikuran at hindi nasilip man lamang. Siya ang nag-alaga at nagmistulang ina sa mga ito. Ang lolang magbobote ang kumupkop at nagpalaki sa kanila. 

Hanggang dumating ang isang tao na nagpabago ng lahat. Ang lalaking naging daan upang guminhawa ang kanilang pamumuhay.

 Isang araw, dumating ang kanilang ina at ang gusto ay makinabang sa kung ano mayro'n siya. Hindi niya ito natikis. 

Subalit hindi ito kuntento sa nakukuha at gumawa pa ng isang pagkakamali.

General Fiction/ Drama 
Wattys2015 winner/ Instant Addiction 

Copyright © ajeomma
All Rights Reserved
All Rights Reserved
Sign up to add Buhay ko man ay 'di sapat to your library and receive updates
or
#33patience
Content Guidelines
You may also like
Mga Anak ng Araw by darkangelcuenco
45 parts Complete
Isang malalakas na pagyanig ang gumising kay Kyle sa kalagitnaan ng gabi. "Lumilindol ba?" Tanong niya sa sarili. Agad siyang lumabas sa kanyang kwarto at sinilip ang kwarto ng kanyang ina ngunit wala siya doon. Si Kyle ay isang 15 taong gulang na nakatira sa Siyudad kapiling ang kanyang ina. Normal ang naging kanilang pamumuhay subalit may mga pagkakataon na pinagsasabihan siya ng kanyang Ina na maghanda sa mga hindi inaasahang pagkakataon. Ito na ba ang binabanggit ng kanyang ina? Agad siyang napahawak sa kwintas na medalyon niyang suot nang maramdaman ang kakaibang hangin sa kanilang bahay at nang maharap ito sa salamin ay nakikita niya itong nagliliwanag. Matapang na kinuha ni Kyle ang baseball bat sa kanyang kwarto at dali daling bumaba. Pag baba nia sa kanilang sala, magulo ang kagamitan na akala mo ay may nag away at nagbatuhan ng gamit sa loob. "Anak! Yuko!" Sigaw ng kanyang Ina na dali dali naman niyang sinunod. Inihagis ng kanyang ina ang isang mahabang espada sa kanyang direksyon at dahil naka yuko siya, isang naka itim na lalaki ang tinamaan. "Arhhhggg" sabi nalang ng lalaki habang nawawalan na ng hininga at bumagsak na sa sahig. Nang bumagsak ang lalaki ay dali dali siyang nilapitan ng kanyang ina at niyakap. "Wala nang panahon Kyle". Hinila siya ng Kanyang ina palabas ng bahay papunta sa kanilang hardin. Nang matapat sa gitnang bahagi ng hardin, "Kahit ano mangyari ay huwag kang aalis diyan!" Hindi ito agad maintindihan ni Kyle ngunit nang may banggitin na salitang kakaiba ang kanyang ina ay saka lang naging malinaw ang lahat. Nagliwanag ang sahig. Nasa loob siya ng isang malaking bilog at gitna ng isang pentagram. Lumipas ang kalahating oras matapos siyang iwan ng kanyang ina ay dumating ang limang kalalakihan tumatakbo sa kanyang kinaroroonan at akmang papatayin siya. Napakapit siya ng mahigpit sa bat na dala niya at nang makalapit sa bilog ang mga kalalakihan ay isang napakalakas na liwanag ang bumalot sa buong paligid.
I'm Pregnant (BOOK 1) by ShimmeringAura
75 parts Complete
"ARE YOU SURPRISE?" Sarkastikong tanong sa akin si Bryle. Hindi ako tumingin sa kaniya sa takot kong makita ang nagbabaga niyang mga tingin. "M-maniwala ka Bryle. H-hindi totoo ang mga ito." Nauutal kong paliwanag. Ngunit hindi niya ako pinakinggan at hinawakan muli ang buhok ko. Napasigaw naman ako sa sobrang sakit. Narinig ko naman ang mga sigaw nila Manang sa labas ng pinto. "HINDI TOTOO? TANGINA! KITANG-KITA KO NA SA LITRATO TAPOS IKAKAILA MO PA? TALAGA NGANG BAYARAN KANG BABAE!" "SINABI NGANG HINDI YAN TOTOO! KAIBIGAN KO ANG ILAN SA KANILA AT EDITED NAMAN ANG IBA!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko na sigawan niya. Marahil siguro sa depress kaya nagawa ko ito. "LUMALABAN KA? LAKAS NAMAN NG LOOB MONG MAGTAKSIL! PUTANGINA! GINIVE-UP KO SI LIAN AT PINILI KITA PERO GANITO LANG ANG GAGAWIN MO? ISA KA RIN PALANG WALANG KWENTANG BABAE!" "EH DI SANA PINILI MO NA LANG SIYA! TUTAL SIYA NAMAN ANG MAHAL MO DIBA?!" Umiiyak na pala ako sa sobrang sakit na sinasabi at ginagawa ni Bryle. Hindi naman niya inintindi ang sinabi ko at sinampal ulit ako. Hindi pa siya nakuntento at iniuntog ako sa lamesa niya. Napahiga naman ako sa sahig sa sobrang hilo ko. Pumaibabaw naman siya sa akin at sinakal ako sa leeg. Ang higpit ng pagkakawak niya sa leeg ko at malapit na akong mawalan ng hininga! "B-m-ry-a-le. W-wag." Pagmamakaawa ko sa kaniya. Napaluha na lang ako dahil ito na ang huling hantungan ko. Pano pag nalaman mong buntis ka? Ulila ka na sa magulang. Pano mo bubuhayin ang magiging anak mo? Magpapatulong ka ba sa Ama ng bata kung mismong tatay ng anak mo eh ayaw sa kanya? Let's just say na itinadhana talaga na mangyari ito sayo. Author's Note: I hope you enjoy reading this story😊 #Wattys2018
Tears in the Rain by SeongRea
38 parts Complete Mature
WARNING! This is barely a first draft, and no editing has happened whatsoever, so I apologize for any possible typos and grammatical errors. If I have extra time, I will gradually edit this. Cover Design by Karla Marie Gaudier a.k.a. ArtbyKarla ****** Nang mamatay ang haligi ng kanilang tahana'y si Czarina ang tumayong ama't ina sa nakababata niyang kapatid. Iniwan sila ng kanilang ina sa pangangalaga ng kanilang Lola, ngunit nauwi lamang iyon sa pagmamaltrato ng matanda sa magkapatid. Sa paglipas ng panahon ay nagtanim ng sama ng loob si Czarina sa kanilang ina, sapagkat tila ba nakalimutan na nito ang obligasyon sa kanila. Sa murang isipa'y namulat si Czarina sa hirap ng buhay. Natuto siyang magbanat ng buto, upang may mailaman sa kumakalam nilang sikmura. Kung anu-anong kakanin ang inilalako nya sa kaniyang mga kaklase at guro, mairaos lamang ang kaniyang pag-aaral. Sa kaniyang pagtitiyaga at determinasyon ay nakatapos sya sa elementarya-na puno ng parangal at paghanga. Gustuhin man niyang ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral ay batid niyang hanggang doon na lamang ang kaniyang makakaya. Tanging pagluha na lamang ang kaniyang kaagapay nang malaman niyang ipinagkasundo siya nang kanilang Lola, upang mamasukan sa Maynila. Sa hindi inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng pagkakataon si Czarina, upang makalayo sa malupit nilang Lola. Isinama niya ang kaniyang kapatid sa Lungsod, magkasama nilang hinarap ang panibagong yugto ng kanilang kapalaran. Sa pagdating ni Czarina sa mansion ng mga Alonzo, ano nga ba ang naghihintay na pagsubok doon para sa kanya? Anong lihim ang kaniyang matutuklasan tungkol sa tunay niyang pagkatao? Maisasalba kaya sya nang una niyang pag-ibig? O lalo lamang siyang malulugmok sa madilim niyang nakaraan. START: June 14, 2024 FINISH: August 1, 2024
You may also like
Slide 1 of 10
BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan) cover
Mga Anak ng Araw cover
I'm Pregnant (BOOK 1) cover
Tears in the Rain cover
 GUN vs LOVE (COMPLETED-Editing/Paradis Series 1) ®🔞+ cover
THE ONE (COMPLETED) cover
Amari [Tagalog] cover
When a Fan Falls in Love cover
Written Memories cover
The Good Girl Turned Into A Cold And Heartless Mafia Queen [ Under Editing ] cover

BEDTIME STORIES Vol. 1 (Ang Koleksyon ng mga Maiksing Kuwentong Katatakutan)

12 parts Complete

Kung alam lang ng lahat, noong unang panahon, nagkukuwento na ang ating mga ninuno ng mga kuwentong katatakutan. Mga kuwento tungkol sa mga nilalang na nakakatakot na halos hindi na tayo patulugin gabi-gabi-mga aswang, bogeyman, halimaw, demonyo, multo, at mga engkanto. Ito ang isa sa mga namana natin sa kanila. ang kahiligang magkuwento at makinig ng mga istoryang kahindik-hindik at kahila-hilakbot. Ang ilan sa atin ay mga seryosong nakikinig o ang iba naman ay apektado, at iilan rin sa atin ay hindi naniniwala o akala nila ito'y laro-laro lamang. Panakot sa mga batang pasaway at ayaw makinig sa mga nakatatanda. Pero lingid sa ating lahat, may mga istorya na magbibigay sa atin ng leksyon, lalong-lalo na, babala. Isang babala na magpapatunay na hindi lang ito laro-laro lamang... babala na magpapatunay may mga nilalang na talagang totoo at nagtatago lamang sa dilim... na hinihintay lang nila na sila'y banggitin... Mas makabubuti kung basahin mo na ang librong ito hangga't malakas pa ang loob mo at huwag mo nang hintayin pang dumating ang dilim... baka magsisi ka sa huli.