Anasha Chaine Lawson ay isang babae na mapagmahal, maalaga at hindi susuko kahit ano'ng mangyari. Pero, nagbago ang lahat noong nalaman niya ang patakaran na sinusunod ng bawat tao sa Randler. Akala niya kapag sinunod niya ito ay maiiligtas sila pero siya pala ay nagkakamali. Kahit sinusunod niya ang patakaran na ito ay hindi pa rin naiwasan na nawalay sa kaniya ang taong nagbigay sa kaniya ng puwang sa mundo at nagalaga. Nalaman niya na may kinalaman ang Randler sa pagkawala nito. Hindi niya alam na roon na nagsisimula ang totoong takbo ng kaniyang buhay kung saan magiging katulong siya sa Randler Palace kasama ang kaniyang mga kaibigan. Hindi niya akalain na makikilala niya ang Randler Palace Superior na kaniyang kakalabanin. Siya ba ay magtatagumpay sa kaniyang plano na pabagsakin ang Superior? Or siya ang matatalo ng Superior?