Mayaman at kinikilala ang nakagisnang buhay ni Hail Suarez, isa siyang sikat na pintor at hinahangaan ang kaniyang mga obra. Lahat ay nagbago nang makulong si Hail at tuluyan naguho ang mundong nakasanayan niya. Nakatira na lang siya sa isang apartment, mag-isa at malungkot ang kaniyang buhay. Takot siya sa mataong lugar at ayaw niyang hinahawakan ng ibang tao. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay makikilala niya si Haven Mondragon, ang babaeng pipilitin makapasok sa mundo ni Hail at magpapabago sa kaniyang buhay. Hanggang saan kayang pasukin ni Haven ang mundong puno ng takot, mapipilitan din kaya siyang pasukin ang puso ni Hail?