"DAPAT MO PA BANG PANGHAWAKAN ANG ISANG BAGAY NA ALAM MONG MAKAKASAKIT LANG SA IYO?" Sa buong buhay ni Faith(Lira) ay wala na siyang ibang hinangad pa kundi ang malaman ang lahat ng katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao. Kasabay nito ay ang mga kakaibang panaginip at pangitain na laging bumabagabag sa kanya sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata. Maging ang mga kakatwang nararamdaman niya sa tuwing tumititig sa buwan na nagdudulot sa kanya ng magkahalong saya at pananabik. Lingid sa kanyang kaalaman, mag-iiba ang plano ng tadhana. Magkukrus ang landas nila ng isang lalaking minsan na niyang nakatagpo---si Elijah. Magiging hadlang nga ba ang tunay na pagkatao ni Faith sa pagmamahalan nila? Posible ba na ang mga puso nilang dalawa ay maging iisa? Makakamit nga ba nilang dalawa ang inaasam-asam na pag-ibig? O pareho silang mabibigo dahil sa malupit na pasya ng tadhana? Started:January 2022 Ended: