Sabi nila ang pagmamahal daw ang tanging paraan para tuluyang makalimutan ang nakaraan at tuluyan nang humilom ang sugat na tinamo nito pero hindi yata sa akin. Hindi para sa akin. --- Nasaksihan ni Lawreese Amber Katakutan ang buhay na sinapit ng kaniyang ina sa kamay ng kaniyang ama, sa mura niyang edad ay nagtanim siya ng galit dito. Hinanap niya ang pagmamahal sa iba't ibang lalaki pero niloko, sinaktan at iniwan siya nitong luhaan kaya nahihirapan na siyang magtiwala sa lalaki. Mahahanap kaya niya ang lalaking magmamahal sa kaniya sa kabila'ng pagdududa na may magmamahal sa kaniya nang buong puso?