Lahat ng bagay ay ginawa para sa isa pang bagay. Gaya ng bubong na para sa bahay, dagat na para sa mga isda, lupa na para sa mga puno at halaman, at araw na para sa sangkatauhan. Sinasabi na ang lalaki ay para sa babae at ang babae ay para sa lalaki, na ito ay labag sa banal na kautusan. Ngunit, pa'no pipigilan kung mismong tadhana na ang nagtatagpo sainyong dalawa? pa'no kung ito talaga ang inilathala ng Diyos sa libro nating dalawa? Handa bang tumakbong magkahawak ang mga kamay at talikuran ang mundong magkasama? Handa nga ba tayong sa katotohanan ng mundo ating ginagalawan, sinta? Parehong humaharap sa camera, ngumingiti sa taong mapagmata. Hanggang kailan maitatago ang pagmamahalan natin sa harap ng madla.