Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, mga tanga lang naman ang naniniwala riyan hanggang sa nakilala ko ang babaeng nagpahinto ng puso ko. --- Sakit sa ulo ang ibinibigay ni Gem Sevilla sa pamilya niya at maging eskuwelahan na kaniyang pinapasukan, palaging nasusunod ang kaniyang gusto at wala siyang pakialam kung may nasasaktan na siyang ibang tao dahil sa pinag-gagawa niya. Bukod sa naging sakit ng ulo siya ng lahat ay maituturing din siyang babaero, walang araw na walang nakalingkis na babae sa kaniyang katawan kaya hindi niya napapansin ang babaeng lihim siyang minamahal. Makikita kaya niya ang babaeng nagpapatibok ng puso niya o titigil na lang sa pagtibok ng puso niya?