Story cover for Alimpuyong Puso by AndreaCornilla
Alimpuyong Puso
  • Reads 133,691
  • Votes 4,197
  • Parts 63
  • Reads 133,691
  • Votes 4,197
  • Parts 63
Complete, First published Mar 25, 2023
Mature
Architect Mary Jane Bueno, isang modernong babae mula sa taong 2023. Gusto niya man isabuhay muli ang disenyong katulad ng ancestral house nila noon, katulad ng gusto ng kaniyang yumaong lola hindi na rin kaya dahil sa mga makalumang materyales na kailangan. Nagpatayo na lang siya ng rest house para magsilbing bahay bakasyunan niya at ng pamilya niya. Bagong disenyo, bagong alaala-pero hindi pa rin kayang palitan ang mga alaala noong bata pa siya na hindi niya naman alam kung saan nagmula.

Sa unang gabi ng pagtira niya, hindi na agad siya pinatahimik ng mga guni-guni niya. Sa isang kurap ng kaniyang mga mata, namalayan niya na lang na nasa taong 1886 na siya bilang Juana Maria Alcaraz-Morales-ang mahinhin, mapagmahal at maunawaing babae, kabiyak ang panganay na anak ng tanyag na negosyante sa bayan ng Rosario na si Don Alejandro Morales na si Ginoong Alvaro.

Sa buhay bilang isang Juana Maria, mararamdaman niya ang alimpuyong puso ni Juana Maria sa taon kung kailan sabay-sabay niyang naranasan ang kasawian, labis na kapootan, walang katapusang kagalakan, 'di maipaliwanag na paghanga, pighati at ang pag-ibig na 'di lihim subalit hindi masuklian.

Alimpuyong Puso by Andrea Cornilla 

#AndreaCornillaAlimpuyongPuso
All Rights Reserved
Table of contents
Sign up to add Alimpuyong Puso to your library and receive updates
or
Content Guidelines
You may also like
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series by RisingQueen07
37 parts Complete Mature
Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?
Sa Harap ng Pulang Bandila by AorinRei
59 parts Ongoing
Babaeng nagmula sa kasalukuyan ang napadpad sa yugto ng himagsikan. Naroon lamang upang masaksihan ang bawat kaganapan, ang mga kamalian na tugma sa pangyayari ng modernong panahon na dapat iwawasto. Ang mga maling paniniwala na dapat iwaksi. Subalit kailangang alalahanin na walang mababago ni isa sa mga nangyari sa kasaysayan. Isinasaad sa panaginip na lahat ng matututuhan ay dadalhin sa kasalukuyan, ang dunong at kagitingan na magsisilbing armas, kasangga ang nag-aalab na damdamin ng pusong makabayan, ang siyang maghahatid tungo sa tunay na kapayapaan. Ako'y nasanay na sa takbo ng panahong ito, tulad na rin ng kanilang hangarin "Maaari po ba akong sumapi?" Sinong mag-aakala na hindi lang pala iyon ang aking makukuha. "Malamang ay bulag ang iyong mga nakakasamang tao sapagkat hindi nila makita ang iyong karilagan o marahil sila'y nabulag na dahil sa pagkasilaw sa iyong rikit." Kapwa namin batid na hindi tugma subalit nagsalitan pa rin kami sumpaan Kaniyang ipinagtapat na ang tunay na nadarama "Isang karangalan Ang maiharap ka sa pulang bandila Pangako, kailanman Mamahalin ko'y ikaw, wala nang iba" Ano ang mangyayari kung magiging malapit ang loob sa mga bayani ng nakaraan lalo na at alam na alam ang kahihinatnan ng mga ito? Tila panghuhuli ng agila ang dalawang magkatunggaliang panig na magdalo upang pagkaisahin ang mamamayan ng lupang tinubuan. May pag-asa pa bang ayusin ang pingkian ng kasalukuyan? Ako si Idianale, ang tagapagsalaysay ng tunay na kaganapan sa kasaysayan.
Heartless: Drianna  by reincianoya
26 parts Complete
Dahil sa isang masamang nangyari kay Jea, pito niyang mga kaibigan ang maiipit sa isang sitwasyon kung saan kailangan nilang hanapin ang gamot- Isang extinct na gamot na siyang matatagpuan lamang sa lumang panahon. Si Drianna Lopez ay isang babae na nagmula sa di makilalang pamilya, siya ay isang batang babae na nakaligtas sa sunog, ang kaniyang tunay na mga magulang ay namatay sa sunog mabuti na lamang at siya ay nakaligtas. Dinala siya sa isang bahay ampunan para doon ay maalagaan at mabigyan siya ng maayos na tirahan, tatlong buwan pa lamang siya noong mamatay ang tunay niyang mga magulang. Apat na buwan siyang nanatili sa bahay ampunan bago may mag-ampon sa kanya, ang mag asawang Lopez, ng mapagpasiyahan na aampunin na nga nila si Drianna ay agad nilang inayos ang papel nito at inilipat sa apelyidong Lopez para maging isang ganap itong tunay na Lopez. Bago mamatay ang mag asawang Lopez ay inilipat kay Drianna ang lahat ng pag aari nila. Agad nalaman ng mga tiyahin ni Drianna ang paglipat ng ari arian ng mag asawa sa anak nila na siyang naging dahilan kung bakit naging misirable ang buhay niya. Kaya kahit sinong makilala niya ay akala niya puro sakit lang ang hatid nito sa kanya, nagkaroon siya ng trauma ng dahil doon. Ang dating salitang pamilya na masaya para sa kanya ay isa na lamang sakit ang dulot. Nang makilala niya ang pito niyang kaibigan ay doon niya napagtanto na baka iyon na ulit ang simula para muli siyang makaramdam ng saya at pag mamahal. Pero ng dahil sa isang misyon, bagay na kanilang matutuklasan ay babalik ulit ang sakit na kaniyang naranasan pero sa pag kakataong ito ay doble ang sakit na ito. Date Started: 11/07/2021 Date Finish: 06/17/2022/
El Abrazo Del Amor by myoujih
12 parts Complete
Si Felipe, Isang banyaga, Mahal ko siya ngunit may pag kakasunduan kami ni Don Juanito tungkol rito dahil sa aking nagawa ilang taon ang nakalipas. Mahirap. Dahil napagbintangan ako sa kasalanang hindi ko nagawa. " Ikaw ang aking kahapon, bukas at ngayon, kahit saang parte ng mundo sa bawat siglo maging ang mga susunod na dapit hapon, ikaw pa rin ang pipiliin ko. " Kahit anong mangyari at kahit anong sabihin ng ibang tao, Mahal ko si Felipe. " Iyong ipagpaumanhin ngunit hindi ko siya ipinagbibili, Isa siya sa masisipag na katulong dito sa mansiyon at tunay na kailangan namin. Ngunit maaari naman kitang payagang makita siya sa tuwing pupunta ka sa Manila" Saad ni Don Juanito nang tanungin siya ni Felipe kung sino ang babae habang dinadakip ng guwardiya sibil. Walang pagkakaila namang pumayag si Felipe dito. Matapos ang negosasyon nila ni Don Juanito'y ipinakilala niya kay Felipe ang magandang babae na siyang nagngangalang Aurora. " Bilang isang negosyante ay dapat ang aking iniisip ay tungkol lamang sa ikabubuti ng aking negosyo, ngunit nagbago ang lahat ng ika'y aking makita, ako ay nahulog sa iyong ganda at di lamang iyon ngunit pati na din ang panloob mong kagandahan, akala ko ikaw ay gaya ng ibang mga babae ngunit habang tumatagal ay mas lalong gusto kong mapalapit sa iyo, di bale na kung sino ka basta't kasama ka ako ay masaya." Ani ni Felipe habang hawak-hawak ang kamay ni Aurora habang kami ay naglalakad sa tabing ilog.
You may also like
Slide 1 of 20
MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series cover
My Sinisinta (TO BE PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE) cover
Dampi ng Tadhana  cover
The Princess and The Soldier cover
Yu & Ai (1886) | Completed cover
The Sound of Gunfire cover
Sa Harap ng Pulang Bandila cover
SA LILIM NG HACIENDA DALISAY cover
Heartless: Drianna  cover
The General's Bride | Historical Fiction cover
Sa Takipsilim cover
Segunda cover
Our Asymptotic Love Story (Published by Bookware Publishing) cover
Because Of You (Series 3) cover
Miss Ginoo  cover
Apoy Sa Langit cover
ANACHRONISM  cover
El Abrazo Del Amor cover
ELEMENTO  - Raw | Unedited Version cover
Aking Gunita (Book 1 of Reincarnation Duology) cover

MAFIA KING'S BATTLE FOR LOVE "The Battle between Wife and Debt" Dela Vega Series

37 parts Complete Mature

Demon, Beast, King of hell, yan ang kadalasan na sinasabi ng mga taong nakaranas na ng kalupitan mula sa kanyang mga kamay. Gayunpaman, sa kabila ng kanyang pagiging demon beast, kinaiinggitan pa rin siya ng lahat dahil maraming babae ang handang lumuhod sa kanyang harapan makuha lamang ang kanyang atensyon at pagmamahal. Subalit lahat sila ay nabigo sapagkat hindi pa ipinanganak ang babaeng kayang tunawin ang nagyeyelong puso ni Allaric Dela Vega, ang pinakatanyag, mayaman at maimpluwensyang tao sa buong mundo. Ngunit nagbago ang lahat ng ibinenta sa kanya ni Mayor Enrique ang bunsong anak nito na babae, bilang kabayaran sa sampung milyong dolyar na halaga ng pagkakautang nito sa kanya. Walang balak si Allaric na bilhin ang anak ng alkalde, ngunit ginawa niya pa rin dahil hinamon siya ng kalupitan ng ugali ng dalaga. Siya lang ang tanging babae na hindi natatakot mamatay sa harapan niya; kahit pa tinagurian siyang, Adonis the greek god, sa kagwapuhan, wala pa ring epekto ito sa dalaga. "Kahit pilitin mo man akong magpakasal sayo, katawan ko lang ang makukuha mo, ngunit hindi ang puso ko." - Jayna "Hindi mo makuha ang kalayaan na gusto mo, dahil mamamatay akong nakakukong ka parin dito sa puso ko."- Allaric May mabubuo pa kayang pagmamahal sa kanilang dalawa gayung wala silang ibang ginawa kundi ang saktan ang isa't-isa? Magagawa kayang palayain ni Allaric si Jayna, kung ang gusto lang nito ay makalaya sa kanya at bumalik sa lalaking nagmamay-ari ng puso niya? What fate awaits the mafia king in his battle for love?